Tila
scalpel
na humihiwa
sa bubungan
ang patak ng ulan
Nilaro muna sa dila bago
ko sinipsip ang paborito kong
ice cream. May pulang cherry
sa tuktok, hugis taob na tasa ng kape
ang ice cream na kasing-tamis ng nasa
operating table na pasyente—nakatitig sa kisame.
Monday, July 7, 2008
Maulang Hapon
Posted by Verso para Libertad at 11:23 PM 1 comments:
Labels: more poems
Friday, July 4, 2008
Dito sa Baybayin
(Tulang alay sa isang kasamang OFW na napasama ang asawa sa lumubog na M/V Princess of the Stars)
Sa tuwing pinagmamasdan ang araw
na unti-unting itinatago ng dagat,
nalilimutan ko ang lahat.
Sa mata ko, sandakot lang
na buhangin ang disyerto; nilalaro
sa bukas-kuyom na palad ng aking bunso.
Musika sa pandinig ang musmos
niyang hagikgik, habang pinatutulay
sa hawak na tingting ang mga langgam;
Tinatangka niyang iligtas
ang kolonya ng insektong iyon;
dinadala sa ligtas na lugar
bago pa sila anurin ng dagat
At sa inosente niyang tawa
tila ba malinaw sa kanya
kung ano ang pamilya:
Ligtas, panatag, magkakasama.
Mamaya lang
kapag napagod na,
magpapakarga siya…
magpapahele.
Gaya ng ginagawa sa kanya
ng nalunod niyang ina.
Dito,
hinuhugasan ng alon ang dalampasigan
Binubura, kahit pansamantala lang,
ang hapdi ng paglisan.
Posted by Verso para Libertad at 2:51 PM 2 comments:
Labels: poems (love and friendship)
Thursday, July 3, 2008
Unang Gabi
Bugso. Ulos. Pagkabigo
Muling ulos
Sunod-sunod na ulos.
Pagkahapo
Muling bugso.
Nanginginig
Na
Kalamnan
Sa
Ibabaw
Ng
Pikit na kaganapan.
Posted by Verso para Libertad at 4:30 PM 1 comments:
Labels: poems (love and friendship)
Tuesday, June 24, 2008
Nagsalita ang Watawat
Mabilis na inakyat ng itinaas na watawat
Ang dulo ng tagdan ng kanyang kasarinlan.
At sa gitna ng pagbubunyi
Nagsalita ito at kinausap ang lahat:
Mula rito, nakikita ko ang dikit-
dikit na gulong na dumidiin
sa bubungan ng mga pasakit
nilang sa estero ay nagpapaypay
ng himutok sa bituka ng mga dampang tirik.
Sila yaong ginigising ng impit na sigaw
ng kalam sa gitna ng kawalan
ng tinig
bagaman dinig
sa mga ungol nila ang panimdim,
ang minumumog na daing,
at nilalanggas na hilahil
na sa araw-araw ay balaraw
na itinitimo sa kanila ng mga limatik at sakim-
na kung bakit ang tumbong ay kailangan pang
himurin at sa kanila’y tiklop-tuhod na manalangin
bago pa ilaglag ang mumong-kanin.
Mula rito, umiiling ako sa piling
ng mga ihip ng panimdim
ng hanging naghahanap, sumusukat
sa hangganan ng mga pagtitimpi
sa kinakalkal na sugat sa dangal nilang nagpapagal -
akyat-manaog sa mga estribo, tutop
ang sikmura nguni’t taas-kamaong
nililinaw ang mga ano at bakit ng kanilang pag-aaklas.
(sila na tumindig at piniling manatili
sa kubol ng mga piketlayn, hindi man batid
kung bukas o mamaya lamang, bubuwagin
pipisakin
ng mga upahang kampon ng demonyong kapitalista)
Mula rito, nakikita ko
at naririnig ang tunay na awit
ang di matapos-tapos na hibik...
At umusal ang watawat:
baligtarin ang lahat.
Posted by Verso para Libertad at 8:17 PM 6 comments:
Labels: poems (activism; protest)
Monday, June 23, 2008
Hiling Ninyo’y Lupa
Nakatindig akong kasama n’yo
sa balisbisang iyon ng Mendiola.
Sa harap ng sementadong tulay
na naghiwalay sa atin mula sa kanila.
Silang mga panginoon dito sa lupa,
at tayong mga aliping bumubungkal ng lupa.
Naroon ako.
Anak din ako ng lupa.
At sumusumpa akong wala kayong kasalanan
sa katampalasanang ipinalasap sa inyo
sa madugong araw ng Enerong iyon.
Sumisigaw kayo't humihiling
ng lupa
ng buhay
Nais ninyong madama nila
na ang lupa ay inyong buhay
at ang buhay nyo'y kadugtong na ng lupa.
Hindi kayo nagtungo roon
upang wari'y sumugba sa apoy
at kitlan ng hininga.
Ninais nyo lamang
na madugtungan pa ang inyong buhay.
Wala kayong kasalanan
para yurakan at barilin ang inyong tanging hiling.
Ang nais lamang ninyo'y lupa.
Nakatindig pa rin ako.
Isinisigaw ang hiling n'yo
HINDI BALA, KUNDI LUPA!
Posted by Verso para Libertad at 1:07 PM 0 comments:
Labels: poems (activism; protest)
Thursday, June 19, 2008
Dear Hubby
May dapat kang malaman:
Nag-iwan ako ng sandaang piso
sa bulsa ng pantalon mo. Pambayad
sa emperador na inutang mo
Nilabhan ko na rin
ang sinukahan mong kobre-kama.
Nilinis, ang nadumihang kwarto’t sala.
Baka kasi pagbangon mo’y madulas ka pa.
Naka-defrost yung ref -- ini-off ko muna.
Napagkamalan mo na namang C.R.
Kagabing umihi ka
May dapat kang malaman:
Pag-gising mo
Wala na ako.
Magsasama na kami ng tatay mo.
Posted by Verso para Libertad at 5:02 PM 2 comments:
Labels: poems (funny)
Wednesday, June 11, 2008
Ang Susi
Nakatitig ako’t naghahanap ng tunay na susi
mula sa bungkos ng mga susing humihiyaw
sa pagkapiit--sa loob ng iskaparateng
malaon ng nakapinid
Mula sa rehas ng pumipiglas kong utak
inaabot, pilit tinutuklas ng nakalahad kong kamay
kung ano ang nasa ilalim ng pula, puti, at bughaw
na telang nakahimlay sa putikang banig
na tinatanuran ng iskaparate.
Humihinga
umaalsa ang telang iyon na naghihintay hablutin.
Nakarinig ako ng siyap ng paghihingalo
ng isang ibong kinukumutan at pilit
binibigyang init ng tela. At sa kinakaladkad kong
kadena sa paa, pilit kong hinablot
ang dulo ng telang iyon upang matambad lang
ang kalunus-lunos na larawan ng kalapating lawit ang dila-
papikit na ang mga mata
na sa bahagyang pagsiyap ay tila ba sumasamo
na ibalik sa kanyang tuka ang nabitiwang dahon ng olibo
Nguni’t
tinatakasan na ako ng hinahon
duguan na ang nakakadena kong leeg at binti
hindi ko maabot ang nagkulay dugong dahong iyon
upang punasan at ibalik sa pagiging luntian.
Sa gitna ng panlulumo
muli kong nasulyapan ang bungkos ng mga susi
Wala sa mga iyon ang hinahanap ko
Nakatali
ang tunay na susi
sa pakpak
ng kumikislot na kalapati.
Posted by Verso para Libertad at 4:16 PM 5 comments:
Labels: poems (activism; protest)
Thursday, June 5, 2008
i would like to thank...blah!...blah!...blah!
Sa pagitan
ng mga titig at iling
banayad kong hinahaplos
inaapuhap
sa screen ng telebisyon
ang dating ikaw. Ang dating tayo.
Paano ko nga ba aaminin
sa aking sarili na wala ka na
samantalang sa bawat pintig
ng puso ko'y narito ka
Paano ko rin papaniniwalain
ang sarili na nariyan ka pa,
na tayo pa,
samantalang mula rito
tinatanaw na lang kita.
Nararamdaman ko
unti-unti
natutunaw
tulad ng ipinapahid mong butter sa hot pandesal
naglalaho
gaya ng mga bula sa iyong sabong panglaba
namamatay
animo'y langaw at lamok
na inispreyan ng iyong insecticide
ang mga pangarap na magkatuwang nating binuo
sa bawat pagkakataong
hindi na ako
kundi si Doktora Belo
ang binabati at pinasasalamatan mo
Posted by Verso para Libertad at 10:08 PM 0 comments:
Labels: poems (love and friendship)
Monday, June 2, 2008
nung minsang itinali ko ang sarili kong kamay
Minsan ko nang itinali ang sariling kamay
sa itim na kordon ng aking kapilyuhan
-- dahil nilasing ko sa pinainom na apdo
ng sama-ng-loob ang kasintahan ko
Hindi ko yun makakalimutan. Pasuray-suray
siyang pumanaog ng hagdanan. Nakaingos
ang nguso sa matinding galit – padabog na umalis
Inisang hakbang ko, pababa, ang hagdanan
at hinabol ko siya hanggang sa may tarangkahan
ang sabi ko:
“di ko sinasadya kung anuman
ang nasabi ko, nagbibiro lamang ako,
ang totoo, hindi ko kayang mabuhay nang
malayo sa iyo”
Mala ice-cream na rocky road
ang ngiti niyang iyon
at sabay
sa imbay ng balakang,
sa nanunuksong sayaw
sa gitna ng ulan
ang sabi niya:
“lumabas ka dito,
halika
isayaw mo ako”
Posted by Verso para Libertad at 9:37 PM 7 comments:
Labels: poems (love and friendship)
Thursday, May 29, 2008
...goodbye
saan ko nga ba huhugutin
ang ngiti sa salitang ito -
na di man lang naidampi
ng labi mo sa labi ko?
ano ang ‘good’
sa katagang ito -
na ibinulong
ng pula mong lipstick
sa salamin ng tokador?
Posted by Verso para Libertad at 4:26 PM 7 comments:
Labels: poems (love and friendship)
Monday, May 26, 2008
3:00 Habit
It used to be 6, and now
3
beeps to alarm me
at exactly 3:00
just about the time
when Charlie plays
hide and seek with
the strange Emily
Demons come alive at 3:00
They possess…
It possesses me.
This time this demon is sweet.
Somebody has to exorcise me.
Posted by Verso para Libertad at 9:49 PM 2 comments:
Labels: poems (love and friendship)
Friday, May 23, 2008
aking anghel
sa panahong ibinubuhol ko
sa apat na dulo ng kumot ang kawalang-tulog,
dinidilaan
ang bloke ng yelong
kayakap ko sa madaling araw,
inilulublob
ang daliri ng panaghoy
sa tasa ng kape,
sa tinutunggang vodka at lemonada,
tinapik mo ang aking balikat.
sa panahong maging ang lumbay na alon
sa pampang ng mga dapithapon
ay ibinubulsa ko sa mga ungol
sa mga impit na taghoy,
hinagkan mo ako sa labi at hinipan sa tainga.
kaytagal kong naghintay . . .
. . . dumalangin
sa pakpak ng anghel
na kakapitan at pagtataguan sa bugso ng hangin.
salamat dumating ka .
ang anghel
na aking hinihintay,
ang dahilan
kung bakit binabati ko ngayon,
ng may ngiti,
ang bawat umagang sumisilay.
Posted by Verso para Libertad at 3:34 PM 1 comments:
Labels: poems (love and friendship)
Sunday, May 18, 2008
Babae sa Sapatos
Tinatapakan ng suot kong sandalyas
Ang tinatambol kong dibdib - ngayon
Bakit naman ngayon pa! Kung kailan
makakaharap ko na siya at makikita ng malapitan
Mula sa silyang kinauupuan, tumatagos
Ang tingin ko sa istante ng mga sapatos
Habang pinagmamasdan
ang indayog ng kanyang balakang.
Kasabay ng pagbuklat sa kahon
Ang halimuyak ng paglapit
Nakakalito. Nalilito
Maging ang tila nagja-jack hammer kong tuhod
Hindi ko tuloy alam
Kung alin nga ba ang gusto kong sukatin
Ang tayug ba ng dibdib at bilog ng hita niya
O ang Chuck Taylor na isinusukat niya sa aking paa?
Sigurado ako,
Gusto ko yung sapatos--kahit masikip.
Ang hindi ko sigurado
Ay kung ano ang nangyayari sa pantalon ko
Bakit parang sumisikip?
Posted by Verso para Libertad at 1:30 PM 3 comments:
Labels: poems (love and friendship)
Friday, May 16, 2008
fetus
Sinasaksak ng tubig-ulan
na bumubulwak mula sa alulod
ang lupang naghihinagpis
sa tinatamong malalalim na sugat--
mga saksak ng siphayo,
sundot sa budhi na bumabaon
sa sugatang dibdib
ng babaing nakatanaw sa bintana
na sinasaksak ang labi ng mga luhang
naglalandas sa magkabilang pisngi.
Sa di-kalayuan
iniikutan ng mga langaw at lamok
ang nakabaong fetus
na inagaw niya sa kanyang matres.
Posted by Verso para Libertad at 4:31 PM 2 comments:
Labels: more poems
Thursday, May 15, 2008
Silang nagsisikap tuklasin ang tula
Sinisinsil ng kalyadong mga kamay ang mga tipak
ng bato sa bundok ng tibagan, sa pag-asang
mula sa titis ng pagkadurog, ititimo
sa mga guwang ng sabik na utak
ang tumatalsik na grabang
binibistay
inaalog bago ilatag
at kumutan ng mga saknong at taludtod.
Sa pingkian ng sinsil at maso
may banaag ng kislap;
at
sabay
sa mga talsik
ng graba sa tipak,
may kamangmangang nababasag.
Posted by Verso para Libertad at 9:20 PM 0 comments:
Labels: more poems
Wednesday, May 14, 2008
Dito Sa Puntod
Gising ang utak at pumipintig ang puso
madalas kong pagsalikupin ang aking mga kamay,
pagpantayin ang mga paa, at humigang
katabi ng mga nagsasalitang puntod
Dito. Bato akong tinatalsikan ng tubig-ulan
kasama ng mga buto’t bungo
ng mga nakahimlay na makata
Dito. Anino akong nakikipagniig
sa pulut-gatang himig sa mga taludtod
Dito. Usok akong nagsasayaw
naglalakbay ang diwang binubusog ng hiraya
Dito. Kung saan ibinabaon
Ng mga patay ang mga buhay.
Posted by Verso para Libertad at 8:54 PM 0 comments:
Labels: more poems
Tuesday, May 13, 2008
Plorera
Tambad sa gatla ng plorera
ang sungaw ng pighati
At sa nananangis nitong bitak,
Sa tubig na unti-unting tumatagas
Naroon ang apuhap
Ang piping sulyap,
Ang usal ng paghahanap
ng kamatayan sa dalamhati. Ngunit wala
Wala sa kurtinang hinihipan ng hangin
na sa kanya’y humahaplos,
O sa alikabok na humahalik sa kanyang labi
ang hanap niyang kamatayan.
Ang dalamhati’y mamamatay sa muling pagkabuhay
Ng luoy na bulaklak—na unti-unti
Tinatakasan ng tubig
Na nasa kanyang sinapupunan
Posted by Verso para Libertad at 10:49 PM 0 comments:
Labels: poems (love and friendship)
Wednesday, May 7, 2008
Danum keng Asikan
Makasalud ya ing gamat ning labuad
keng aslag at pali ning aldo. Anti ya mong
manalangin keng patak ning uran a keyang pagnasang
magus at tulari kareng balang paligi ning asikan;
Ban miparanuman ing pale – sasapo, bubuktut -
kareng linang a mélange at makatayangtang.
Mamaus lang alang sawa ding ortelanung maluca,
Aldo’t bengi lang magprusisyon. Maniauad lunus
kareng santus ampong santas a carelang teterak
at pagprusiyon kabuklat na pa ning masala
angga na keng silim at dalumdum
Mamaus lang alang patna - - manyad lugud at biyaya
Makitangis ya ing kaladwa ku’t pusu,
Dapot ala ku namang agawa
Nune ing makisiklod, at manalangin kayabe da.
Ing takde ning Diyos ya na sanang manibala
Makiramdam kareng dalit at kekaming kayadwanan:
Danum king asikan a kekaming pakamalan.
Posted by Verso para Libertad at 5:38 PM 0 comments:
Labels: poems (kapampangan)
Tuesday, May 6, 2008
"dispersal"
Nakikita ko
Ang bawat hataw ng truncheon
Sa mga katawang humahandusay-
Tumitindig
At muling humahandusay.
At sa bawat sikwat ng kalasag
Na isinusungalngal sa mga bibig
Sa ngalan ng kapayapaan;
Sa bumubulwak na dugo
Na di-nanaising ipang-mumog--bago
pa ibuga sa itim na tubig na dumadaloy sa kanal,
Nararamdaman ko, unti-unting inaanod,
Inihahatid ng tubig-kanal papasok sa imburnal
Ang aking kalayaan.
Posted by Verso para Libertad at 9:45 PM 4 comments:
Labels: poems (activism; protest)
Monday, May 5, 2008
Ama at Anak
malayo kung minsan
ang ulap
sa dalampasigan
minsan naman
napakalapit lang
anak ang tawag
sa pagluwal
ng mga sapot ng pangarap
ng isang amang
nagsisikap
na mailapit
ang pasig ng panaginip
sa ulap ng kanyang mga pangarap
na minsan
lumalayo
minsan naman
humahalik
isang ama
na paulit-ulit mang nabibigo
pilit pa ring inihahagis
ang lambat ng pagtitis
sa pusod ng dagat
para sa anak...
... para sa anak
Posted by Verso para Libertad at 5:03 PM 0 comments:
Labels: poems (love and friendship)
Damdaming Ina
Ang isang anak na nawalan ng magulang ay tinatawag na ulila.
Balo o byudo naman ang tawag sa isang lalaking nawalan ng asawa.
Pero ang isang inang nawalan ng anak…ano ang tawag natin sa kanya?
Walang tawag sa mga tulad nila. Wala.
Wala kasing salita na makapaglalarawan sa sakit na nararamdaman ng isang ina na nagdadalamhati sa pagkawala ng kanyang anak. Lalong walang salita at katagang maaring maglarawan sa isang ina na patuloy na naghihintay at umaasa na sana’y makabalik ng ligtas ang anak nyang dinukot at naglaho na lamang na parang bula.
Paano mo nga ba papayapain ang loob nya? Anong angkop na salita ang makapagpapalubag sa naninikip nyang dibdib? Paano nya ipapanatag ang isip nya kung di man nya batid kung magpapadasal na ba sya o magtitirik na ng kandila o patuloy pa rin syang aasa na isang gabi’y kakatok na lamang ang pinakamamahal niyang anak na parang walang anumang nangyari.
Sasapit na naman ang gabi. Wala pa ring kumakatok. Maghihintay siya at maghahanap sa gitna ng kanyang mga hikbi at pagluha.
Baka-sakali….
Baka-sakaling dumating sya.
Baka-sakaling buhay pa ang anak niya.
Posted by Verso para Libertad at 3:43 PM 1 comments:
Labels: lakbay-diwa
Sunday, May 4, 2008
tapik sa balikat
Kung ang bawat pag-ibig ay tulad ng harding
puno ng bulaklak, paraiso sana ang lahat.
Maging ang mga tutuldok ng pait at hinagpis
Na binabakas sa mga wakas, kayang gawing tuldok,
Maituturing na ganap.
Wala na lang sanang dapat hintayin.
Makalilipad, disinsana, ng may ngiti at magaan
Kasing-gaan ng mga pagaspas
At pagpapalipat-lipat ng paru-parong
sumisimsim ng nektar sa mga talulot
At ubod ng kumakaway na bulaklak.
Wala na lang sanang pait na iniiwan
ang mga paglisan. Wala ring panghihinayang
sa iningatang tamis ng bawat lumipas
Walang luhang mababakas sa mga mata
na di man lang maiharap sa nakikiramay mong titig.
Masarap maramdaman ang marahan mong tapik
sa mga balikat; mga tapik ng pag-aalala at pagsisikap
na ipadamang nariyan ka lang,
handang dumamay -- laang maghintay.
Sana, dumating ang panahong
maititig ko rin sa iyo ang aking mga mata;
Panahong ako naman ang magpapasaya,
Ang magpapahid sa iyong mga luha
Sana ang paglimot ay matutunan ng puso
at maampat ang luha sa mga matang namumugto;
Masumpungan
ang daan papunta sa iyo
Maramdaman
kung gaano ka kahalaga
Bago ka pa mapagod.
Bago ka pa mawala.
Posted by Verso para Libertad at 8:40 PM 2 comments:
Labels: poems (love and friendship)
ano nga ba ang buhay?
Tagni-tagning lubid
Ng paglusong at pag-ahon,
Pagkadapa, muling bangon
Sa himutok, bagong balak, bagong habi
Muling dugtong, muling lubid.
Mas malaking lubid.
Lubid-lubid na pangarap,
na pinipilit ituon, sinusuot
sa butas,
Ng karayom ng hinagap.
At kung ang buhay
ay pangarap,
Mas malalim ito kung gayon
Kaysa alinmang pinakamalalim na balon
Sapagkat,
Lahat ng buhay ay pangarap
At lahat mismo ng pangarap … pawang pangarap
Posted by Verso para Libertad at 8:09 PM 0 comments:
Labels: poems (philosophical)
Tuesday, April 29, 2008
nagluluksang lupa
Pintig ng pagkauhaw
Ang isinasamo ng mga bitak-
Bitak na linang na kumakandili
Sa nakatingalang uhay ng palay
Walang dadaloy na tubig!
Walang pagbubuntis na magaganap.
Hindi maglalaman. Ipa at hindi bigas ang
Iluluwal ng lupang sinakal ng kapabayaan
Walang upos. Walang kaha ng sigarilyong
Maibabaon ang tahimik na suyod
na hinihila dapat ng kalabaw
upang pantayin ang inararong lupang punlaan.
Ulila. Maging ang mga sakong
Paglalagyan ng mga binhing
dapat isaboy sa mga linang.
Inulila ng mga magsasakang hindi
Mapakali, di-makapag-huntaan sa ibabaw
Ng mga pilapil at tarundon. Dahil sa likaw
Ng mga bala at bombang dumadagundong
Dumudurog ng katawan at pangarap.
Lupa. Tumatangis at nagluluksang lupa
Ang ugat ng kaguluhan at pagkabahala.
Bakit nila inaari ang lupa,
Hindi ba't ang lupa ang nagmamay-ari sa atin?
Posted by Verso para Libertad at 2:56 PM 0 comments:
Labels: poems (activism; protest)
Monday, April 28, 2008
Hanggang sa Muli (Hibik Patungong Rehab)
paalam mga kaadik
hasta la vista
sa duguang mga mata
na ayaw humimbing
tulad ng usok
sa kalyeng tinahanan
na yumakap
sa nagmamadaling mga gulong,
at natatarantang paa.
sa mga door-knobs
na di-miminsang pinagtripan--
pilit dinistrungka at binuksan
matighaw lang ang pagkagiyang.
paalam na rin, o’ araw
na nagpayong sa mga kara-krus,
at itlog sa lugaw na mga almusal
sa mga gasgas
at galos ng pakikipag-habulan
sa mga parak na usli ang tiyan
paalam sarhento,
kabo ng jueteng,
kubrador ng lotto,
ma-mimiss ko ang mga pitik
at delihensya galing sa inyo.
hindi ko makakalimutan
ang mga kagaguhan
at ingay ng lansangan
pero pramis,
hindi ko na babalikan
ang malalalim na sugat at kahihiyan
na naikulapol nito sa aking pagkatao.
babalik ako. aayusin ko lang ang buhay ko.
Posted by Verso para Libertad at 2:48 PM 0 comments:
Labels: poems (social relevance)
Sunday, April 27, 2008
"gahasa"
gigil…
kinakanyod ng nakakubabaw na tandang
ang damulagang
ni hindi pa nangangakak.
itinatakip ng luntiang dahon
ang sariling pagkadahon,
pinipilit ipagsanggalang
ang sariwang bulaklak
laban sa sirit ng amoy chlorox na tubig.
iwinawasiwas…
pilit inilalaglag ng hanging marahas
ang nag-iisang palda sa sampayan.
Posted by Verso para Libertad at 1:11 PM 0 comments:
Labels: poems (social relevance)
Monday, April 21, 2008
ano nga ba ako sa kanya?
tinatanong ko ang sarili ko
ano nga ba talaga ako sa kanya?
mga titig…
na tutugon sa nagpapasaklolo
niyang mga titig?
mga palad …
na pagdadaupan ng
mga palad niyang naghahanap
ng init? ng kapanatagan?
o malapad na dibdib, na pwede
niyang pag-hiligan ng kanyang ulo?
ang nais ko sana
kahit minsan man lang, maging labi naman ako--
na lalapat sa naghihintay niyang labi.
pero ganun nga yata talaga,
masaklap mang isipin, hanggang ngayon,
labi lamang ako
na tagasalo sa umaagos niyang mga luha.
Posted by Verso para Libertad at 10:27 PM 2 comments:
Labels: poems (love and friendship)
"Ispongha"
Kung minsan,
Kagaya lang ng kislap
Ang mga pagdating at paglisan.
At para sa isang makata
Ang paglisan ay maitutulad sa ispongha
Na hinahablot at itinataas mula sa papalayong
alon ng dagat.
Paglisan na ang kayakap kadalasan
Ay ang maraming sana lang…
Sana lang, kung lilisan man
Marinig at madama naman, kahit paano,
ang mga bulong at himig na ibig niyang ihaplos
sa naisulat, isinusulat at susulatin pa niyang
mga titik at taludtod. Sana lang
At marami pang sana lang. Hindi para sa kanya
kundi para sa kanyang mga tula.
Dahil masakit kung iisipin na kadalasan
Kislap din lang na dinadaanan
Ng sikat at lubog ang maraming akda.
Unti-unti…dumurupok at napupunit
Ang mga dahong umaaruga sa mga titik.
Walang tugon ng pagbuklat sa inaaagiw nilang paanyaya
Sa mga istante. O kung hindi man
Hinahagkan na lang ng titik ang kapwa titik.
Lilisan ang bawa’t makata.
Tulad ng ispongha –
na inaagaw at hinahablot mula sa tubig
at ibinibilad sa init ng araw. Walang ibang pupuntahan
Kundi ang bumalik sa kung ano siya dati.
Lilisan ang bawa’t makata. (Huwag nawa ang tula!)
Posted by Verso para Libertad at 4:20 PM 0 comments:
Labels: poems (love and friendship)
Sunday, April 20, 2008
Ikaw at Ako sa Pakikibaka
Nakikita kita
sa busal ng mga maralita. Na di man nais
ay nagpipilit manatili sa gilid
ng mga estero’t pusali. Na ang kakainin
ay kailangan pang idalangin na sana’y malaglag
bilang mumo ng kanin sa pinggan ng mga limatik at sakim.
Naririnig kita
sa bawat mong sigaw at panimdim. Laban
sa kahirapan at paninikil nilang mga hari sa lipunan
na ang tumbong ay kailangan pang kamutin at
himurin;
Bago pa ibahagi ang biyayang
kinulimbat din naman nila mula sa inyong mga dukha.
Minamasdan kita
sa piling ng mga manggagawa na nagpapalipat-lipat
sa mga bus. At walang kapagurang naglilinaw
sa dahilan ng pag-aaklas. Kayo na tumindig
at piniling manatili sa kubol ng mga piketlayn,
Di man ninyo batid kung bukas o mamaya lamang
ay bubuwagin
pipisakin. Ng mga upahang kampon ng demonyong kapitalista.
Kasama, nakikita kita.
Hindi masasayang ang lahat.
Katuwang mo ako sa iyong pangarap. Na may mundong babaligtad
Sa araw ng pag-aaklas.
Posted by Verso para Libertad at 3:25 PM 0 comments:
Labels: poems (activism; protest)
without you
i'm taking sad glimpses
on those memories we once had.
nothing...
but hollowed traces
of bitterness, laid
upon my heart;
a symphony of sadness
like tattered pieces
of broken glass
that am trying
to hold
with these bleeding and wounded hands.
life now, is like
a song
without a melody;
a movie,
without a story.
wish you are here … still.
Posted by Verso para Libertad at 3:03 PM 0 comments:
Labels: poems (love and friendship)
college girl
underneath
that warm soft pillow
are
dark secrets untold.
five thousand pesos
folded carefully
just like her bitter memories.
one semester to go…
Posted by Verso para Libertad at 3:00 PM 0 comments:
Labels: poems (social relevance)
Saturday, April 19, 2008
latay sa likod ng kabayo
Napapaigik ang buto’t balat na kabayo
Sa tuwing ihahagupit
Sa likod niya ang latigo.
Kailan pa nga ba maghihilom
Ang mga latay
At sugat na dati ng tinamo,
Kung doon at doon din hahampasin ng kutsero?
Lugmok na sa pagod
Hinahampas pa rin ang likod.
At dahil sa pinasuot na istuka sa kanya,
Diretso lang ang kanyang tingin.
Tatakbo siyang pahilahod.
Tulad ng dati,
Magtitiis…
Magtitiis…
Magtitiis…
Posted by Verso para Libertad at 4:38 PM 1 comments:
Labels: poems (activism; protest)
"palabud"
Ing palabud
Ampo y tatang
Y lang migpala kareng linang
Tinabas…
Minutut…
Kinalis …
Karing kwayang meging papag
A kekatang luluklukan,
Pipagkeran…
Pag-paynawan…
Keng oras ning kapagalan.
Iniang migdanas kasakitan,
Ing palabud yamu naman
Mekitabas, mekiyipus
Kayabe nang peyalipan.
Migit karin, ing palabud
Ning tatang tang matenakan
Yang kasaup nang linaban
Iniang manyakup la reng daiwan.
Luguran ye ing palabud…
Antimong lugud yu kang tatang
Posted by Verso para Libertad at 1:35 PM 0 comments:
Labels: poems (kapampangan)
Thursday, April 17, 2008
nung sacali man
nung sacali man
e pa sapat ing sala ning bulan
ban atanglauan mu ing lungcut
caring matang mipnung lua,
mamalisbis caring pisngi
qng alang patugut cung pamanangis;
nung e pa sapat ing idalit
cu ing sablang pait at pamagsisi
qng pangauale mu cacu;
paburen mung ing tiup
ning angin a maglambing
caring balang bulung
da ring bulaclac,
qng gilid ning pampang
a mitatayid tang delanan,
y yang magsalita
nung macananu cung manamdaman;
nung macananung mapupugtu
ing cacung inaua
qng balang aldo milalabas
a agaganaca da ca.
nung sacali man
at aganaca mung mamatiauan
caring pilapil a mipnung tula
at micacaul tang liclucan,
ganacan mu sana cacung sinta...
mipnung lugud,
panayan da ca.
Posted by Verso para Libertad at 4:33 PM 0 comments:
Labels: poems (kapampangan)
Saturday, April 12, 2008
ang pag-ibig ko sa iyo ang siya na mismong tula
ginagalugad
ng walang kapagurang isip
ang lawak at lalim ng parnaso ng tulain
inaapuhap ang mga hiwaga at salimuot
na nakakubli sa likod ng mga titik
hinahanap sa mga dahon at lagas na talulot
na paunti-unting naluluoy sa mga hardin.
tila naghahanap ng masuyong kamay,
o haplos ng nagtatampong hangin
na ayaw bumulong ng mga kataga.
sadya ngang may mga damdaming
di mabigkas, di man lang maipahiwatig;
damdaming sikil at di mailarawan
hagkan man sa magdamag
ng pluma ang naghihintay na papel
patawad
kung wala mang maisulat na taludtod.
pilitin ko man, kagaya ng hiling mo, wala akong mabuong tula.
sana'y sapat na kung sasabihin ko,
na ang pag-ibig ko sa iyo
ang siya na mismong tula
Posted by Verso para Libertad at 10:00 PM 0 comments:
Labels: poems (love and friendship)
Thursday, April 10, 2008
para sa akin...
sapat na ang bawa’t umagang
nahahagilap at nasasalat
ng palad kong naghahanap
ang iyong buhok
leeg
braso
balakang at dibdib
sapat na ang lahat
ikaw ang lahat … ang lahat-lahat
Posted by Verso para Libertad at 7:26 PM 0 comments:
Labels: poems (love and friendship)
Friday, April 4, 2008
isang gasgas na tula, sa pamagat pa lang, "ulan"
walang kwentang tula ito
pinapauna ko na sa iyo. dahil gasgas na -
sa pamagat pa lang - ang mga tulang may kaugnayan
sa patak ng ulan
pero anong magagawa ko, dahil sa pahamak na ulan,
mahapdi pa rin hanggang ngayon ang siko kong nagasgasan --
nung minsan akong madupilas sa kahahabol sa iyo,
right-cross at uppercut pa ang inabot ng panga ko.
ayaw mo kasing makinig sa paliwanag ko
puro ka “ I hate you! … puro ka “I hate you!”
cannot be reached pati ang celfon mo.
yung german shepherd na nasa loob ng bahay,
itinali mo sa harap ng pintuan.
balak mo pa yatang ipa-almusal
ang siko kong nagkulay brown
pero huwag kang mag-alala,
tatahol ako ka-duet ng aso. at di ako aalis
sa harap ng gate niyo, kasi gusto kong malaman mo
na pinsang-buo ko yung kasukob ko
nung araw na umuulan at nakita mo ako
please naman love … bati na tayo.
Posted by Verso para Libertad at 3:53 PM 1 comments:
Labels: poems (love and friendship)
Thursday, April 3, 2008
stay with me
If I would be forbidden--
denied of the joys of your presence--
how can I . . . how can I be
restored of myself then?
If I lose you
What is left for me to hope for?
Will there be a reason
to continue this life’s journey
without a reason to be happy?
Shield me…
shield me from this life’s miseries
Be here … be here and stay with me.
Posted by Verso para Libertad at 5:03 PM 1 comments:
Labels: poems (love and friendship)
Tuesday, April 1, 2008
adobe sa bahay
sa kaiisip sa paparating na baha,
nagtayo siya sa tuktok ng burol
ng isang konkretong bahay. aniya,
“ ang aking bakod at pundasyon
ay dapat na maging matibay”
adobe …
adobe…
at adobe pa.
araw-araw… araw-araw niya
itong pinapatibay. nanigurado sa buhay.
upang sa dakong huli, paglingon
niya sa kanyang nagdaan,
maiisip lang,
na nakalimutan pala niyang mabuhay…
at makipamuhay.
Posted by Verso para Libertad at 3:38 PM 3 comments:
Labels: poems (philosophical)
Sunday, March 30, 2008
english poem ni bayaw
dear friends,
nagpagawa ng tula ang brother-in-law ko para daw dun sa bebot na didiskartehan sana nya...
gusto nya english...e di naman ako masyado marunong sa english poem...pwede bang paki-koment? thanks po.
here is the poem that i made:
hins na ney wi met
ai nyu ai nam yu nil net
en watever ai nu...
it sims ai hent molnget
yur lamly smyls
en yur myuniful mace...
ai ngo nu is
ai ngo nu wes
ol ai dlim of
is ur tayt emleys...
wen wil yu sey
u lam mi tu
mlis nemembel
ay lam u so...
********************
by the way, ngongo po pala ang bayaw ko....
ganda po ba...?
Posted by Verso para Libertad at 2:14 PM 2 comments:
Labels: poems (funny)
Saturday, March 29, 2008
very much in love (at sixteen)
sa likod ng bahay…
nakatanghod ako sa mga bulaklak
na aking pinipitas at kinakausap
ang tawag ni inay ay di ko pinapansin
wala siyang magawa kundi ang umiling
sa paglapastangan ko sa munti niyang hardin
at sa tambak na talulot na kaniyang wawalisin…
“he loves me…he loves me not…
he loves me…
he loves me … not ”
(hayyy!... he loves me not pa rin)
Posted by Verso para Libertad at 3:16 PM 0 comments:
Labels: poems (love and friendship)
Wednesday, March 26, 2008
Be Specific (kung hihiling kay Lord)
Nakaluhod
taimtim ang usal
ng lalaking nagdarasal-
sa harap ng altar
“ sa inyo po, O’ Diyos
aking hinihiling,
sana’y magbuntis na
ang tanging babaing
nagmamahal sa akin”
sa kanyang pag-uwi
nadatnan si misis;
salubong sa kanya’y
nagliparang damit,
baso, sandok, walis,
at platong may pansit...
ang sigaw ni misis:
“si Inday! si Inday!
hayan nagdududuwal!
ang sumbong sa akin, iyo raw ginapang!”
(… kooyah...wag pu! )
Posted by Verso para Libertad at 11:04 PM 3 comments:
Labels: poems (funny)
Tuesday, March 25, 2008
Sa Dalagang Naglalaba sa Gilid ng Eskinita
Sinalok ko sa aking kamay
ang may sabong tubig
mula sa batyang pinaglalabhan.
Lilinisin sana
ang dumi sa laylayan
ng aking pantalon na kasusuot lang
Dumating ka
at iniabot sa akin
ang isang putol na Mr. Clean--
na kabibili mo lang sa tindahan.
Sa malagkit mong pagkatitig
di mo na siguro narinig
ang paghingi ko ng paumanhin;
sa walang paalam na pagsalok
sa iyong batyang may tubig.
Kahit nga ako, tila naguluhan
sa aking pagsosori na pautal-utal,
na pakiramdam ko ay humalo lamang
sa malalalim na buntung-hininga,
at sa tarantang pagkurap
ng namumungay mong mata...
Gayunpaman, salamat sa sabon
at sa sumungaw na ngiti.
Sisiguraduhin ko,
bukas
may dumi ulit sa laylayan ng pantalon ko.
Posted by Verso para Libertad at 4:08 PM 3 comments:
Labels: poems (love and friendship)
Sunday, March 23, 2008
Lamat sa Salamin
muli siyang nginitian
ng sumikat na araw.
nakikisiksik ang mga silahis--
tumatagos,
sa mga lamat sa lumang salamin
ng nakapinid niyang bintana.
tulad din kahapon,
nag-aanyaya ng paglimot
ang sumilip na umagang iyon.
naghihintay ng paghawak at paglambitin
sa kanyang mga silahis, subali't
naroon pa rin ang bakas ng pagtanggi
sa nalalaglag na likido ng kirot
na lumalapat sa gusot niyang kobre-kama,
at sa marahang pagbaling
ng kanyang mukha,
nananatiling pinid ang kanyang bintana.
gaya ng dati,
sa gitna ng paulit-ulit na pagkusot
sa namumugto niyang mga mata,
mas nais niyang titigan at salatin sa daliri
ang mga lamat sa lumang salamin - -
sa bintanang unti-unti na namang niyayapos
ng kulimlim:
dahil sa muling pag-agaw at pagyakap
ng ulap sa nikat na araw.
at sa bawa't nanlulumong paglisan ng mga silahis,
nauulit lamang ang mga hinayang,
na kaakibat ng mga hapding tanong:
hanggang kailan ang paghaplos at pagtitig
sa mga lamat ng nagdaang pag-ibig?
Posted by Verso para Libertad at 10:42 PM 0 comments:
Labels: poems (love and friendship)
Friday, March 21, 2008
limbug ing belita
Nanung sangcan ot gagaga
Magsalbat cang alang patna?
O’ ortelanung maluca
Sasagipan mu ing belita!
Macananu, macananu?
Nanu canyan ing gawan mu…
Manyingil ne ing usureru
Nanupang pamayad mu?
Macananu ya ing magaral?
Macananu co pang mangan?
Macalunus ing milyari
Quetang albug a dinatang.
Batiauan me at lingapan
Ing melugi mung asican
Iting lub mu eme paynan
Datang mu rin ing catubusan
Iting Dios a macamal…
Sablang saquit, iquit na ngan
E matudtud, capilan man.
Lalung e ya mangalingwan.
Maquiramdam, maquiramdam…
Iting lub mu e mu paynan!
Posted by Verso para Libertad at 4:31 PM 0 comments:
Labels: poems (kapampangan)
Wednesday, March 19, 2008
"Missing"
Napayuko ang payat na sanga.
Para bang nagulat sa dumapong maya.
Saksi ang sanga, ang maya,
at ang nulas na hamog sa dulo ng dahon
sa nabaling tuhod at tadyang;
sa tatlong bala
na inipit at pinisil sa gitna ng mga daliri;
sa hiniwang dila at tainga;
sa sinindihang gasolina
sa katawan ng nasa hukay.
Sa siyudad, humihiyaw at nagtatanong
ang mga linya sa pahina:
Sino ang dumukot? Sino ang may sala?
Wala nang makikita.
Natuyo na sa sikat ng araw ang hamog.
Naitago na ng kumapal na alikabok
ang bakas ng naghalong dugo at gasolina.
Wala nang maririnig.
Kahit huni
ng nahintakutang maya.
Hangin na lang ang nagpapaypay
sa tinabunang hukay.
Posted by Verso para Libertad at 4:01 PM 3 comments:
Labels: poems (activism; protest)
Sunday, March 16, 2008
"Separasyon"
Sa pagtiklop ng huling blusa
na ipinasok sa maleta,
alam kong tumiklop na rin
ang nalalabi niyang pag-asa.
Iniisip ko
kung kasing-alat ba ng luhang
humahalik sa labi niya,
ang pinong asin na naihalo ko sa aking
kape, habang poot kong pinagmamasdan ang
mga hakbang niya?
Sa huling pagkakataon,
nakita kong tinitigan niya ang geyt
na may nakaukit na dalawang pangalan sa loob ng puso.
Laglag ang balikat,
marahan niyang hinahatak
ang kanyang maleta.
Hakbang papalayo...
Bukas ng umaga,
papalitan ko ang disenyo at kulay ng geyt,
Aalisin ang isang pangalang nakaukit doon;
Tutungkabin ang lumang pintura,
at papawiin ang makapal na kalawang.
Tulad ng pagpawi sa alaala
ng kumapal na kalawang
ng kanyang kataksilan.
Posted by Verso para Libertad at 9:13 PM 6 comments:
Labels: poems (love and friendship)
Halik sa Nagdaan
Hinahagkan ko
ang ating nagdaan
Sa ilog
at pampang ng ating suyuan.
Sumasagwan
sa banayad na alon,
sa tunghay at sinag
ng nagluluksang buwan.
Lumbay na himig
ang hapis na huni
ng mga kuliglig,
sa pagod na indak
ng mga alitaptap
na walang madapuang
mala-sutlang balat,
at di makahanap
ng masuyong kuyom
sa iyong mga palad.
Sumasanib,
pumipisan sa daloy ng luha
ang patak ng ulan.
Humahalik sa pisngi.
Makirot bawat dampi.
Kasing-kirot ng paghalik
ng ulilang alon sa pampang,
Kung saan ko
ikinalat
ang abo
ng iyong katawan.
Posted by Verso para Libertad at 3:36 PM 6 comments:
Labels: poems (love and friendship)
Friday, March 14, 2008
Saganan mu cu, o' Indu Cu !
Magcasaquit cong itacbang
deng bitis cung alang sicanan,
Mangapaynan ing cacung lub
qng mialiuang pamigunam
O’ Indu co! mibalic cu
Queti qng mal mung candungan
Mequiyipus caring daiuan
Mibagua mu qng cabyayan.
Ing sabi da masican ca
Alang nanu mang panamdaman
Nung muli cu aquit da ca
Ala cung dapat piganacan
O’ bat ating paldas-tela
Pacasabit arap tamu?
O bat nanu ing acaquit cu
Pacapaldas la reng tau?
Saganan mu cu O’ Indu cu!
Antimong sadya mung gagawan,
Mipnung tula…mipnung lugud
Calupa ning milabasan,
Caulan mu cu
O’ Indu cung pacamalan!
Posted by Verso para Libertad at 5:00 PM 0 comments:
Labels: poems (kapampangan)
Thursday, March 13, 2008
Blusa ni Darna
nais niyang akyatin ang bundok banahaw
ngunit limang pinto
ang kailangang buksan
sa pagmamadali ng nginig niyang kamay
di man lang pinansin ang ungol at sigaw.
at nang mabuksan na ang pintong sagabal
nanlaki ang mata dun sa nasaksihan
wala namang bundok kundi tela lamang
na tumatakip din sa mga basahan!
…… ay peke!
Posted by Verso para Libertad at 2:43 PM 0 comments:
Labels: poems (funny)
Wednesday, March 12, 2008
itlog sa pugad
walo ang itlog
sa loob ng pugad…
mayroong inahin na doo’y umakyat,
sabik na umupo, lilimliman dapat
nang sa pag-upo niya’y
isa pang inahin ang biglang umakyat
binuka ang pakpak, siya’y tinutuka at pinapalayas
nagkamaling manok pilit umuupo sa hindi nya pugad.
sa huling bilang ko, itlog ng dalawa’y disisais dapat
amfufu si tatay, ang naunang walo’y kinuha sa pugad
at kanyang binati,
nilagyan ng asin at saka sibuyas.
(‘magsama kayo ngayon, sa iisang pugad!)
Posted by Verso para Libertad at 2:48 PM 0 comments:
Labels: poems (funny)
Tuesday, March 11, 2008
"tamang-duda"
Tagos sa kisame
ang talim ng iyong titig,
nanunumbat ang pinakikinggan mong awit.
Sumasabay
sa nakangingilong tunog
ng kinauupuan mong tumba-tumba.
Umuugoy,
Pumipihit,
Lumalangitngit.
Painot-inot,
nagtatangka akong lumapit;
habang pa-irap mong ipinipihit
sa kung saang panig ang talim ng titig.
Tik-tak ng orasan
ang pumupunit sa katahimikan
na nasa ating pagitan.
Malamig ang sabaw.
Walang talsik at sagitsit ng mantika
sa pinipritong karne o daing na isda;
na dati mo namang ginagawa.
Manaka-naka,
nababasag ang katahimikan
sa angal ng nagtatalsikang takip
ng takure, kaldero't kaserola.
Mabuti pa sila, walang nadarama.
Hindi nagtataka sa pagbabagong nakikita.
Maasim ang mukha mo habang nakikinig
ng kantang ilang beses nang inulit:
"Mahal, saan ka nanggaling kagabi?"
Posted by Verso para Libertad at 2:24 PM 2 comments:
Labels: poems (love and friendship)
Sunday, March 9, 2008
Paghahanap
Pakiramdam ko,
muling maglilintog ang mga talampakan
dahil sa nilalagnat na sikat ng araw.
Pero tuloy lang,
muli ko silang ihahakbang -- sa isang lakad
na wala namang direksyon. Tulad din kahapon.
Minsan, sa gitna ng paglakad
napapamulagat ang mga mata.
Tila nakakakita ng nakangiting diwata
sa bawat lagutok ng mga siit at tuyong dahon,
na natatapakan ko sa gilid ng kalsada.
Walang
masalubong
na
ngiti.
Yapos ng init -- maging ang
nakahilerang traysikel sa istasyon.
Walang pasaherong nagpapaypay at naiinip
sa paglayas ng kinukumbulsyong init;
na ayaw man lang pumikit. Kahit saglit.
Paulit-ulit.
Titisurin ko ang nagkalat na bato.
Ihahanap ng sagot, ang mga tanong sa isip ko.
Maglalakad ako. Baka sakaling ibulong
ng nalalaglag na mga tuyong dahon,
o ng alikabok
na ipinupulbos ng hangin sa mukha
ang dahilan ng bigla mong pagkawala.
Hindi ko na papansinin pa
ang nang-uuyam na sitsit at sulyap
ng mga taong di naman nakakaunawa;
ni nakadarama ng pangungulila.
Hahanapin kita. Ilang ulit
man nilang sabihin
na hindi ka na babalik pa.
Posted by Verso para Libertad at 5:48 PM 4 comments:
Labels: poems (love and friendship)
Saturday, March 8, 2008
Umiiyak …Sumisigaw ang Lupa!
Tumatangis.
Bumabalong ang pulang luha ng paghibik.
May pagsamo’t panambitan
ang mga bitak ng palayan - na naging libingan.
Sa dibdib niya’y humihiyaw
ang mga mga patak ng dugo.
Itinigis nilang hamak
na nagtangkang sumigaw, magtampisaw sa panganib;
maabot lang, matanaw lang ang paglayang inaasam
mula sa kalawanging tanikala ng hinagpis at pagkatimawa.
Nagdadalamhati.
Di maikubli ng ulilang bukid
na piping saksi sa bangungot ng gabi
ang tinig ng pagmamakaawa,
niyaong mga nilalang
na sapilitang isinauli - sa sinapupunan nyang humihikbi.
Sa kandungan nya’y nagsiamot ng kandili
ang mga bayaning di kilala;
walang mukha, walang pangalan ni palatandaan.
basta na lang tinabunan sa mababaw nilang hukay.
Ibinaong tila balaraw
sa naghihinagpis niyang dibdib.
Inalisan ng karapatang isalaysay
ang saloobin.
Nilagutan ng pangarap
na mabuhay ng tiwasay.
Umiiyak, sumisigaw ang lupa.
“Tinatawag ko kayo,
o’ mga anak kong nalagasan!
kayo na mga naiwang
nangalugmok sa kawalan,
Nasaan kayo?
kayong mga tinakasan na ng tapang;
magsidalamhati kayo’t manambitan
Nakalibing ang inyong KALAYAAN! “
Posted by Verso para Libertad at 2:19 PM 0 comments:
Labels: poems (activism; protest)
Thursday, March 6, 2008
Make a Wish Meme
I was tag by Jonah. thanks sis!
It’s the “Make a Wish” Meme.
Here are the rules:
1. Think about what it is that you want more than anything, what your heart’s desire and fondest wish is, and what it is that you would wish for if you were to see the above wishing star flame across the night sky.
2. Right click and SAVE the blank graphic below.
3. Use a graphics program of your choice and place your wish on this picture
It's ur turn to make a wish: RC, Navin, Lutchi, Kate and Marilyn...
Posted by Verso para Libertad at 10:34 PM 0 comments:
Labels: Friendly Tags
Wednesday, March 5, 2008
ILoveYou, Asawa koh (...'namu! )
Nakakatulig ang lagabog ng berdeng geyt.
Sa marahas mong pagsara, di napansin
Ang tumalsik na padlock sa tabi ng basura.
Muntik tamaan pati bubwit - na bumibisita.
Nagsusumbong ang tahol ni Sunshine.
Bahag ang buntot, isiniksik
Pinagkasya ang katawan sa ilalim ng sofa.
Masakit ang tadyak, mahirap madamay.
Napapasabay
Sa nginig ni Sunshine ang tarantang kamay
Di ako mapalagay. Hindi na kaya
Na salagin ng nguso ang kamay mong bakal.
Dinukot ang natitirang pera sa pitaka.
Promissory Note. Na naman.
Makapag-test lang ang mga bata, kahit nahihiya,
Makikiusap ako para sa kanila.
Huwag lang magtiis sa sampal at mura.
Heto pera. Sige na.
Ubusin mo sa alak,
Mag-tong-it ka.
(Volta ng Ina ka!)
Posted by Verso para Libertad at 5:18 PM 5 comments:
Labels: poems (social relevance)
Monday, March 3, 2008
ang umiibig na puso
gagap ng puso
maging ang pinakamalalim na talinhaga.
damdamin mang di maibulalas
na sa dibdib ay nag-uumalpas,
di man kayang sambitin ng umid na dila,
sapat na sa kanya ang malalalim na buntung-hininga.
ramdam ng puso
ang mga pahiwatig ng katugong-puso
pagkat sa kanya lamang ito nakikinig.
kahit di na bigkasin ang anumang kataga,
sapat na ang mga nagsusumamong luha;
upang maintindihan ang iniluluhog
ng isang pusong sumasamba.
nauunawaan ng puso
ang mga dalamhati ng kapwa-puso
dinudugtungan nito maging ang nalalabing tibok
ng isang pusong naghihingalo at nagdurugo.
sinasagip ng kanyang pag-ibig mula sa pagkalunod
maging ang ligaw na damdaming nagtalusira;
pagkat dakila at walang hanggang unawa
ang kaya nitong padaluyin: mula sa kanyang kaibuturan.
maging ang sarili nitong tibok,
kayang sikilin,
nagagawang supilin.
dahil gagap ng puso…
ramdam ng puso…
nauunawaan ng puso…
kung ano ang ibig sabihin
ng isang wagas na pag-ibig.
Posted by Verso para Libertad at 11:09 PM 1 comments:
Labels: poems (love and friendship)
Friday, February 29, 2008
Langgam sa Bilao
Nagtatahip ang ina ng inimis na bigas.
Maraming nalalaglag mula sa kiskisan.
Pasuray-suray.
Biling-baligtad ang mga langgam.
Nag-uunahang makalabas sa bilao.
Bagaman gutom din,
iniiwasan ang bagsak ng luha
mula sa inang balisa.
Tahip ng dibdib.
Kasaliw ng tahip sa bigas na imis.
Saan pa siya hahanap ng bigas na pantawid?
Bawal ng mamulot sa kiskisan.
Bawal ng makiusap na dugtungan ang buhay.
Nagpupulasan.
Di man nila sinasadya,
ang paglabas sa bilao ay pakikisimpatya,
sa mga tahip ng pagkabalisa.
Posted by Verso para Libertad at 3:28 PM 6 comments:
Labels: poems (social relevance)
Sunday, February 24, 2008
Hikbi ng Payatas
Pulutin mo
O! munti kong anghel
ang mga pangarap na pilit mong hinahabi
dito sa kandungan kong tigib ng pighati.
Hanapin mo
sa naaagnas kong bisig
ang tinatanaw mong bukas.
Baka sakaling di pa ito
tinatangay ng mabahong hangin...
kasama ng nagliparang papel
na di na masasayaran pa ng pudpod mong lapis.
Kalkalin mo
ang katuparan ng kanilang pangako;
baka-sakaling makalahig mo ito
mula sa nakabalot na dumi ng tao,
na tila utot na nililitanya
ng mababahong bibig ng mga pulitiko.
Silipin mo
ang kalayaan mo mula sa gutom.
baka-sakaling nasa loob
ng kahon ng mga sapatos
na hinihimlayan ng naaagnas na fetus,
ang pagkaing sa iyo'y magpapabusog.
Langhapin mo
ang hanap mong karapatan.
baka-sakaling ituro sa iyo
ng usok na pumapailanlang...
o ng umaalingasaw na bangkay
nina ate at kuya na pilit nilang tinabunan;
dito...dito sa humihikbi kong sinapupunan.
(silang mga tinaniman ng punglo
upang di na pangarapin kailanman
ang kinabukasan para sa iyo na pilit nilang isinisigaw)
Ipunin mo
O’ pagod na anghel…
sa inuuod na sako ng iyong kamusmusan
ang basag na bote ng iyong mga pangarap
ang kumakalansing na lata ng iyong pagkabigo…
ang nadurog na garapon ng paslit mong mga ngiti.
Isakay mo…
sa pamamagitan ng naglalangib
at sugatan mong palad
ang lahat mong agam-agam at mga bagabag...
sa nanlilimahid na kariton
ng kawalang-katiyakan at madilim mong bukas.
Itulak mo...
itulak mo papalayo ang lahat mong hinanakit
sa lipunang ito na wala ng malasakit.
Posted by Verso para Libertad at 8:13 PM 9 comments:
Labels: poems (social relevance)
Wednesday, February 20, 2008
Janet...Hapdi ng Dekada 80
“Ang mga munting bagay na iyong ibinigay
ay lagi kong hawak sa aking mga kamay…
sa pamamagitan nila ikaw ay nabubuhay…”
Dalawampu’t dalawang taon na ang lumipas nguni’t patuloy pa ring bumabalik ang mga alaala ng isang madilim na yugto ng buhay ko...
Siya at ang aming friendship band na nagbigkis at patuloy na magbibigkis sa amin lumipas man marahil ang maraming taon…kahit siguro sa alaala na lamang.
Ibinigay nya ang friendship band na iyon sa gitna ng rally at tensyong lumulukob sa buong bansa…tig-isa daw kami. Lunes yun…Febrero 22, 1986. Sa gitna ng mga sigaw nuong umagang yun sa kasagsagan ng halos isang linggong EDSA 1… paano ko nga ba makakalimutan ang tila nahihiyang mga ngiti na iyon sa kanyang mga mata nuong iabot nya ang munting bagay na iyon habang abala kaming namamahagi ng mga polyeto malapit sa tulay ng Mendiola …ang mga ngiting iyon na sa isang kisapmata ay napalitan ng takot at ligalig sanhi ng komosyon at putukan...
Desperado na nuon ang diktador at handang pumatay makapanatili lang sa poder…sumisingasing at humahaginit ang mainit na bala na walang pakialam kung sino ang mapatay…napakalapit… ilang sentimetro mula sa aking pisngi…
Pero hindi yun ang inalala ko…mas inalala ko nang mga sandaling iyon kung nasaan na siya…mas mahalaga sa akin noon ang payapain ang loob nya…ang bigyan sya ng katiyakan na magkasama pa rin kami…na hindi ko sya iiwan anuman ang mangyari…
Magkahawak-kamay naming tinawid ang panganib na iyon...at sa pagpawi ng tensyón…sa paghupa ng usok ng teargas at pulbura…sa pagkawala ng alikabok ng lansangan…ang maririnig na lamang ay puta-putaking pagsigaw ng pulu-pulutong na mga istudyanteng nagkawatak-watak subalit nagpipilit mag-ipon ng lakas ... nagpipilit tumindig at patuloy na sumisigaw.
Bumagsak ang diktador ilang araw pagkatapos ng madugong Lunes ng umagang iyon...Umupo sa Malakanyang ang babaeng nakadilaw…
Tuloy ang buhay…tuloy ang ikot ng kasaysayan…ang paghabi ng mga pangako ng mga naghaharing-uri sa mga maralita na pilit nilang nilulunod sa mga sarsuela ng pekeng reporma at pagbabago…
Walang nagbago…naroon pa rin kami…nakatingin sa isang direksyon…magkahawak kamay sa bawat rali…sa bawat kilos-protesta…
Nagkahiwalay lamang kami nung magtapos na sya sa kursong Fine Arts…at sa aming paghihiwalay ay naroon ang pangako na di man kami pisikal na magkasama ay patuloy pa rin ang pakikibaka laban sa bulok na sisteman ng lipunan. Nagkasya na lamang ako sa pakikibalita sa kanya at sa ilang mga patagong sulat na maingat na nakabalot at manaka-nakang naipupuslit. Mga sulat na kung minsan ay ikinagugulat ko pa kung saan galing at kung sino ang may bigay.
Isang taon mula nuon…nabalitaan ko na lang na kasama sya sa mga napaslang sa isang encounter sa Norzagaray…Nuong una ay ayaw kong maniwala…sana ay hindi totoo…sana ay hindi sya ang ibinabalita nila…Puno man ng pangamba…lakas loob akong nagpunta sa lugar na itinuturo nila kung saan dinala ang mga napatay…umaasang hindi siya iyon. Pero naroon sa kaliwang kamay nya ang friendship band na katulad ng suot ko!
Wasak ang kanyang dibdib sa dami ng balang tumama sa kanya. Basag ang bungo na pinasakan ng pulang panyo upang di lumabas ang utak mula roon…
Ang panyong iyon ang laging nakapulupot sa dulo ng baril nya para daw lagi nya akong naaalala ….binigay ko yun bago kami magkahiwalay…
Dalawampu't dalawang taon na ang nakalipas…naroon pa rin ang hapdi….naroon pa rin ang dalamhati…paano nga ba lumimot kung tulad ng isang awit…paulit-ulit ko syang maaalala…
“Iguguhit ng ulap ang maamo mong mukha…
Sumasabay sa hangin ang iyong mga tawa…”
Posted by Verso para Libertad at 10:37 PM 4 comments:
Labels: lakbay-diwa
Monday, February 18, 2008
"rally"
may kirot akong nararamdaman
sa papabilis na lakad ng ating hanay
tumutusok ang mga durog na bato
na nasa loob ng sapatos ko
nguni’t tuloy lang sa pag-awit
at pagsigaw para sa pagbabago
ayaw kong yumuko
ayokong alisin
ang matatalim na bagay na iyon
na sumusugat sa paa ko.
natatakot ako
baka sa aking pagyuko
mawala ka sa paningin ko
kailangan ko ang init ng mga palad mo.
Posted by Verso para Libertad at 8:13 PM 4 comments:
Labels: poems (activism; protest)
Sunday, February 17, 2008
"avenida"
Hindi sa iyo
kundi sa naglingkisang sakong
ng mga nagpapakupkop
na bagamundo’t maton;
doon ko nais hanapin ang sagot sa tanong.
Tanong
kung sadya nga bang
ang mga patay-sinding ilaw
sa poste na sa kanila'y iyong itinutuon
ay liwanag ang hatid,
o isang paanyaya sa laksang patibong?
Sa lumang diyaryong nakabunton,
may sagot ka kayang maibubulong,
sa dahilan ng kalahating idlip
ng tuliro nilang isip na di maipikit?
Sa kumot na papel ng kanilang bagabag,
sa balabal ng kahungkagan nila't gutom,
sa gutay na diwa nilang nagsusumbong,
doon ko nais hugutin ang wastong kataga
na magpapalubag sa mga hinanakit.
Sa mga kimkim na sumbat at galit
na isinisigaw ng nagdedeliryong lamig
sa banig na karton na gula-gulanit.
Hindi ikaw,
kundi sila ang nais kong kausapin.
Tapikin.
Haplusin.
Palakasin at aliwin.
Upang kahit paano'y patuloy pa silang manangan
sa gahiblang kawing ng mga pangarap.
Umamot ng pandugtong sa hininga
kahit man lang mula sa lagkit ng usok
na ibinubuga ng mga tambutso sa iyong sinapupunan.
Kahit man lang sa itim na tubig
mula sa kanal ng kanilang hikahos na buhay,
dumaloy
magsusumiksik ang pag-asa
sa mga ukab ng hinihigan nilang bangketa.
Katubusan nila'y di-kailanman maiaasa.
dahil wala sa iyo, Avenida...
nasa kanila mismo ang kanilang pag-asa.
Posted by Verso para Libertad at 8:45 PM 0 comments:
Labels: poems (social relevance)
Taong-labas
Minsan mo akong dinalaw
sa aking panaginip…
at sumanib ang palaban mong
diwa sa lugmok kong balintataw.
Sinumbatan mo ako.
Kung bakit wala akong
nakikitang mensahe
sa mga lagas na dahon
at tuyot na talulot ng mga bulaklak;
na tumatakip sa ugat ng mga
ulilang puno sa gubat.
Sinilaban mo ang mga ito.
At ang apoy ay lumikha
ng liwanag.
Umabot sa kalangitan
ang usok na nalikha.
Tulad ng mga martir
Na nauna sa iyo;
ang apoy ng paninindigan
nila’y siyang liwanag
na tatanglaw sa ating paglakad.
Ang usok na umaabot sa
kalangitan ay halimuyak
ng pag-asa.
Sumasanib sa mga ulap ang
sigaw ng mga martir.
Tila usok na pagdaka’y magiging ulan
na buong ngitngit na
ibabagsak sa huling pagtutuos.
Lumuha ka ng sakdal pait.
Napasabay ako sa iyong paghibik.
Kasabay ng mga patak ng luha,
malinaw kong nakita….
may kahulugan ang lahat ng paghihirap nila.
Posted by Verso para Libertad at 1:56 PM 0 comments:
Labels: poems (activism; protest)
Saturday, February 16, 2008
Damdamin para sa Bayan
nukal di’t sisibol hindi maikukubli.
Pag-ibig sa bayan pilit mang itanggi,
mabibigkas pa rin nitong mga labi.
Pag-ibig na ito sa lupang nagkanlong
sa mga pangarap at musmos na layon,
pilit mang supilin sa puso’y babalong
magpakalayo ma’y pilit ding lilingon…
Di kayang ipikit yaring mga mata,
kung iyon at iyon din ang syang makikita.
Mga kaluluwang nagsisipagdusa’t
ang itinataghoy ay dalit ng laya.
Magdadalamhati, puso’y magluluksa
para sa kapatid na pinagdurusa,
sa dilim ng karsel na tigib ng luha
dahil sa tiisin ng pagpaparusa.
At sa kaibuturan ng pusong nahapis
may kabayanihang pilit na titindig.
Sa imbing pagsikil ay di tatahimik
Di mabubusalan ang apoy sa bibig.
Kapag ang pag-ibig sa baya’y nagising,
sikdo ng pag-alsa ay di mapipigil.
Magiging daluyong na magpapanginig
sa sukab na lider na nang-aalipin.
at sa agos ng digma sila’y lulunurin!
Posted by Verso para Libertad at 8:13 PM 1 comments:
Labels: poems (activism; protest)
Friday, February 15, 2008
panambitan sa hangin
kung nakikinig lang ang hangin
makikiusap akong hipan nito
ang mga luha ng pluma kong naninimdim.
hugasan ang dugo’t plema
sa malamig na sementong
nilatagan ng gula-gulanit na dyaryo
na nakasapin sa likod nyo…
kung nakadarama lang ang hangin
pakikiusapan kong higit pa niyang pagliyabin
ang mga kandilang lumuluha’t naninimdim
nang sa gayon maitambad sa bulag nilang paningin
ang dilim na bumabalot sa bayang nagupiling…
kung nakapangungusap ang hangin
sasabihin kung ibulong nito sa mga bituin
na magsitipon sa gawing kanluran
at mag-aklas laban sa naghaharing dilim…
(sa lipunang tinatakasan ng liwanag…
hangin na lang marahil ang maaaring kausapin)
Posted by Verso para Libertad at 2:05 PM 0 comments:
Labels: poems (activism; protest)
Kanbas, Pinsel at Pag-ibig
Marahan ang dampi ng pinsel
sa nag-aanyayang kanbas…
bawat hagod at paglapat
tila dugong dumadaloy
sa bawat himaymay at ugat.
nagpapainit…
nagpapaalab…
nagbibigay buhay...
nagpapakulay…
sa larawang likha
ng bawat nilang pagniniig..
Kung ang pag-ibig
ay naiguguhit
tulad ng bawat halik ng pinsel
Sa nagpapaubayang kanbas…
Ito’y isang obra-maestra…
kaylalim ng kahulugan…
Isang madamdaming sining
Na ang bawat pagniniig
ay kinukulayan ng pag-ibig
ng dalawang nilalang…
May ligayang hatid…
Pikit-mata..ninanamnam…
kaysarap maramdaman.
Posted by Verso para Libertad at 2:02 PM 0 comments:
Labels: poems (love and friendship)
Thursday, February 14, 2008
Kung ikaw ang liwanag...
ang taglay mong sinag
bulagin mo na lang
ang mugto kong mga mata
na ayaw ng lumuha pa
o magluksa sa siphayo’t
kadustaang nadarama.
kung nariyan pa ang poot
at alab mong dumadarang,
sunugin mo na rin ang
nananaghoy kong dila
pigilan itong makapaglitanya pa
at maisatinig ang mga taghoy
at bagabag ng konsensya
dahil sa kabulukang nakikita.
kung magkakagayon…
hindi ko na lang masisilayan pa
ang mga daluyong at lagablab
na salimbayang kumakaway…
pumipisan sa sinilabang diwa;
nagbabadya ng trahedya
sa lipunang lugmok
at tigmak sa luha ng pagdaralita…
O’ kaypalad nilang bulag
na wala nang nakikita
walang galit na nadarama…
walang kuyom na kamaong
isinusuntok sa duguang lupa…
walang sugat ng hinanakit,
at sinimpang ngitngit
sa nagpupuyos nilang dibdib…
sa bawat buhay na napugto…
sa bawa’t dilang naumid
sa nilagok nilang tubig
ng takot at panganib…
sa bangungot ng pagmamalupit
nilang mga haring kumikitil
sa daing at panaghoy
ng bayan kong tumatangis…
kung ikaw ang liwanag…
bulagin mo na lang sa iyong sinag
ang mugto kong mga mata…
idarang sa iyong apoy
ang nananaghoy kong dila…
kundi mo man ito magawa…
hayaan mo na lang ako
na maglambitin minsan pa
sa iyong mga silahis…
mangarap ng laya
mula sa aming pagkahapis…
madama ko man lang…
mapatotohanan ko man lang
na nariyan ka lang sa aming piling…
tumatanglaw sa amin sa gitna ng dilim.
Posted by Verso para Libertad at 11:11 PM 1 comments:
Labels: poems (activism; protest)
Wednesday, February 13, 2008
for sentimental reasons...
for sentimental reasons
I wanna keep on crying…
I tend to live in solitude
amidst shattered images
of a tattered story of our love
forever gone…
I will keep on staring
on that old photograph
of a lovely kiss on your neck
as I carried you in my arms…
against the wall, as we embraced.
even if my eyes
shall wallow in tears
and my heart shall bleed
in pain endlessly…
as I see you being carried
by him in his arms sweetly…
for sentimental reasons,
this heart shall refuse to move on…
for deep there inside will always be
a cherished love of you and me...
for sentimental reasons
I choose to live in pain…
‘coz life without you
will never be the same.
Posted by Verso para Libertad at 8:06 PM 2 comments:
Labels: poems (love and friendship)
Tuesday, February 12, 2008
Biggest Heart Award
I would like to thank Anino for sharing this award. It feels so great to know that people do share a common aspiration for a better country. A better world free from exploitation and injustice.
With all happiness, i would like to share this award to:
1. Nes - for her sympathy to the fight of Sumilao Farmers.
2. Ashik - for his advocacy to eradicate hunger and poverty.
Thank you, Anino.
Posted by Verso para Libertad at 1:15 PM 1 comments:
Labels: recognitions
wish i could be your rain...
If i could simply be
the thing that
I would wanna be,
I'll be happy to be the rain
that endlessly
pours down on you.
So i could kiss away the tears
which flows down
from your cheeks.
I shall come to you
with a promise
not to be tired
of drowning out,
of washing away,
and of melting
those bricks of emptiness;
and those walls of solitude
which you had built in bitterness.
But sadly,
I cannot be that rain;
for I have my own tears
which falls down on my cheeks;
also waitin' for some rain
to be drowned and washed away.
I could but sigh in pain
for i have nothing to offer.
Oly a heart
which could share with you,
could cry with you,
in your sadness...
in your pain.
Posted by Verso para Libertad at 12:29 PM 2 comments:
Labels: poems (love and friendship)
Monday, February 11, 2008
timely quotes...
“Papa, if it’s true that you did well for the country, why is it we are on the run?” ... musmos na tanong mula sa isa sa mga anak ni Rodolfo "jun" Lozada.
... nasasaktan ang isang ama sa pagkawasak ng buhay niya dahil sa pagnanasang makaahon sa kasalanan at lumakad ng tuwid....pero mas nasasaktan ang isang anak...nalilito sa mga nangyayari...
nahinto sa pag-aaral dahil kailangan nilang magtago sa isang ligtas na lugar. di makapasok sa mismong iskwelang nagtuturo sa tao na magsabi ng totoo...sa iskwelang inaasahan niyang huhubog sa kaniya bilang mabuting mamamayan...sa iskwelang di niya tiyak kung kailan ulit niya makikita....
bakit kailangang madamay siya?
*****************************
“I was trying to save my soul; I didn’t know that it would save this country’s soul,” ... from Rodolfo "Jun" Lozada.
*****************************
“Jun, we hope that by our presence here you may find some consolation. Jun be assured that your solitude is no longer isolation as we profess our solidarity with you. You are not alone. We are committed to stay the course and do our best to protect you and your family and the truth that you have proclaimed,” ....
mula sa mga nagmamalasakit na taong-bayan...
*******************************
IKAW...?.... Saan ka nakatindig?...Saan ka panig?....
Posted by Verso para Libertad at 2:58 PM 0 comments:
Labels: views/opinions
Sunday, February 10, 2008
...backspace <<<
Iniib < . . .
… iniiba na lang ang usapan pag kaharap ka na.
laging ganun...lalo na ‘pag sukol na talaga
ng mga titig mo ang namumungay kong mata…
Inii < . . .
… iniimbento na lang ang mga dahilan
ang mga pakunwaring paalam na may pupuntahan.
kathang-isip na kwento sa syotang hindi naman,
at text messages na pinapadala sa sarili na lang.
(di mai-send sa’yo, sa takot na iyong pagtawanan)
Iniibig k < . . .
… iniibig ko ang Pilipinas, ito ang aking lupang sinilangan…
(blah…blah...blah….et cetera…et cetera…)
tumalsik na lang sana ang < backspace > sa keyboard ko,
para masabi ko ng diretso ang laman ng dibdib ko!
… di ako maka-< Esc > sa feelings ko
… di kita ma-< Delete > sa puso ko.
Posted by Verso para Libertad at 1:04 PM 0 comments:
Labels: poems (love and friendship)
Tag from JonahGalvez
Instruction:
1. Place your link after the list. If you have more than 1 blog, feel free to add them all here!
2. After placing your blog's address/es, you must tag 5 or more bloggers that is not yet in the list, this is to keep the ball rolling.
Links around the world tag (update as of Mar. 8, 2008)
1 - Momhood Moments 2 - Business Mars 3 - Pinay Mommy Online 4 - OnlineBiz and Resources 5 - A Simple life 6 - moms….. check nyo 7 - Mommy’s Little Corner 8- Princezz 9 - Princess 10 - Random Thoughts 11 - Paradigm 12 - See Me For What You Will 13 - Pamp's Blog Corner 14 - Pampered 15 - HappyHeart 16 - Qtcotzkie and Baby 17 - A Sorta Fairytale 18 -Tragicseven 19 - Listen to the Beat! 20 Just Saying 21 Tipsy Tips 22 - Different Angles 23 - Delicious Corner 24 - I Care 25 - Blog Blag Blog 26 - Daily List 27 - Life's Journey 28 - Welcome to my Crib 29- Hearts Desire 30 - Island Paradise 31 - Texas Life 32 - Long Journey 33 - My life 34- Verso para Libertad 35 -Your Link Here! ^_^
passing to: Navin, Ashik, Rokoksalem, Kate Ashley, and Sheng
Posted by Verso para Libertad at 1:00 PM 1 comments:
Labels: Friendly Tags
Saturday, February 9, 2008
Ang Pangalan ko'y PILIPINAS
Hindi marapat.
Ang sarili kong anyo’y niyurakan
Makikisig silang namintuho
Sa kalaunan ay pinagmistula nilang sisiw
Ako na sarili nilang ina…
Hindi ako si Narcissus…
Posted by Verso para Libertad at 4:11 PM 1 comments:
Labels: poems (activism; protest)
Friday, February 8, 2008
"wraith"
abhorrent…
loathsome are her deceitful smiles.
I detest myself for being enslaved,
easily enticed
by her chocolate-coated kindness…
by her empty promises.
captivated so easily,
she came to me like a whirlwind;
with a love so tempestuous…
passionate…
and yet so destructive.
she left…
and darkness embraced
my once gleeful life.
now I’m wondering…
until when will I find solace
from staring at these autumn leaves?
Posted by Verso para Libertad at 11:18 PM 2 comments:
Labels: poems (love and friendship)
5 Star Blog Award
My sincerest thanks goes to Pen Palaboy for giving me this award which I truly appreciate.
I would like to pass this award to:
1. Jhona - for the beauty and inspiration drawn from her married life which she conveys on her every blog posts.
2. Lyza - for the energy of her youth and her positive outlook towards life.
3. Khen - for the inspiration she brings to her readers borne out of her Christian values and Love of God.
Thank you Pen and may you remain sweet and caring as ever.
Posted by Verso para Libertad at 3:48 PM 4 comments:
Labels: recognitions
Thursday, February 7, 2008
Puntod...ayyy!!! Nasaan ka Puntod?
Tumangis kayo mga inang inagawan.
Kayo na nagluluksa at naninikluhod
na sana’y matabunan na lang ng lupa,
o bumuka ang langit upang kayo’y higupin -
pailanlang sa kung saan…
Tumangis kayo mga inang naghahangad;
na makatakas na lamang sa walang katapusang pag-asam
na sana’y makabalik ang nawala n’yong mahal sa buhay…
Tumangis kayo nang buong lakas.
Hanggang ang luha’y masaid,
at ang nakataas nyong mga palad
ay mangagtikom sa pagkapoot.
Tumangis kayo nang buong hapdi.
Sa bawa’t n’yong pagdalaw, pagsamo at pagpalahaw
sa mga inaring libingan na hindi inyo….
Namatayan kayo ng mahal sa buhay
subalit di nyo batid kung nasaan!
Sa aba ninyong ang mga isipan ay walang pagkahingalay.
Tulad ng mga kaluluwang hinahanap ninyo’t
humihingi ng katarungan.
Mapoot kayo sa di-matingkalang sakit
sa gitna ng bangungot ng mga gabi…
Bakit ninyo tinatangisan
ang puntod ng kung sinong nilalang –
BIKTIMA RIN BA SILA NG PAGDUKOT AT PAGPATAY?
*************************************************
Ang isang anak na nawalan ng magulang ay tinatawag na ulila.
Balo o byudo naman ang tawag sa isang lalaking nawalan ng asawa.
Pero ang isang inang nawalan ng anak…ano ang tawag natin sa kanya?
Walang tawag sa mga tulad nila… wala.
Wala kasing salita na makapaglalarawan sa sakit na nararamdaman ng isang ina na nagdadalamhati sa pagkawala ng kanyang anak. Lalong walang salita at katagang maaring maglarawan sa isang ina na patuloy na naghihintay at umaasa na sana’y makabalik ng ligtas ang anak nyang dinukot at naglaho na lamang na parang bula.
Paano mo nga ba papayapain ang loob nya? Anong angkop na salita ang makapagpapalubag sa naninikip nyang dibdib? Paano nya ipapanatag ang isip nya kung di man nya batid kung magpapadasal na ba sya o magtitirik na ng kandila o patuloy pa rin syang aasa na isang gabi’y kakatok na lamang ang pinakamamahal niyang anak na parang walang anumang nangyari.
Sasapit na naman ang gabi…wala pa ring kumakatok…maghihintay siya at maghahanap sa gitna ng kanyang mga hikbi at pagluha.
Baka-sakali….baka-sakaling dumating sya…baka-sakaling buhay pa ang anak niya…
Posted by Verso para Libertad at 9:53 PM 0 comments:
Labels: poems (activism; protest)
' entablado '
bawat sinag at kutitap
ng pulang ilaw-dagitab,
balaraw na tumitimo
sa dibdib niyang nawawasak.
sa himig at lamyos ng maharot na musika’y
unti-unting iindayog...
malalaglag papalayo sa maalindog nyang katawan
ang nalalabing dignidad na pinaka-iingatan.
nakasisilaw ang kinang ng mga ilaw
na naghahantad sa kanya sa kahihiyan.
sing-kinang ng mga salaping papel
na isa-isa nyang pinupulot
matapos ang bawat pagtatanghal.
hanggang kailan siya iindak..
hanggang kailan siya iiyak?
hanggang kailan mahihiga
sa tabi ng mga buwitre’t asong gala -
hayok sa laman at handang sumila?
dilim sa gitna ng liwanag.
may luha sa bawat sulok
ng parisukat na mundong kinasadlakan.
sadya nga bang sa bawat tao’y
may musikang nakalaan;
na sa gitna ng pagluha’y
kailangan niyang isayaw…
sa entablado ng buhay?
Posted by Verso para Libertad at 12:26 PM 0 comments:
Labels: poems (social relevance)
Wednesday, February 6, 2008
Peace and Glamorous Blogger Award
This award is thoughfully shared by an equally glamorous blog friend, Jonah. She now live happily with his loving husband and would love to discuss endlessly about clothes, bags, shoes, shopping etc..etc... (glamorosa talaga!). Anyway, thanks Jonah for this award. I really appreciate it and hope i could do justice and live up with this one. he! he! he!...
I pass this award to my friends, SWEATPEA and SHENG.
Happy Blogging.
Posted by Verso para Libertad at 8:54 PM 0 comments:
Labels: recognitions
if thou shalt leave...
if thou shalt leave…
walk thou slowly whilst am asleep
that my ears hear not the deafening
sound of your footsteps…
walk thou in peace
and turn thy back in silence…
dare not to speak a word
and gaze not upon me
with your teary eyes;
for it hurts…
it breaks me into pieces.
let me fall asleep
as deeply as I could…
for in my dreams
I might be strong enough
to hug you;
to say goodbye to you
for the last time.
I might be able to wave
this trembling hand…
while you go…
while I set you free.
Posted by Verso para Libertad at 1:30 PM 0 comments:
Labels: poems (love and friendship)
Tuesday, February 5, 2008
Lamentasyon para sa Hangin
Hindi ka nila kailanman hiniling…
nguni’t nariyan ka sa kanilang piling.
Nalulugod sila sa indak at sayaw
ng luntiang dahong nangaglambitin
sa mga sanga ng punong nagbibigay lilim.
Nakangiti nilang hinahagkan
ang mga talulot ng rosas na namumukadkad.
pinipitas nila ang mga ito sa kanilang hardin
upang gawing adorno sa kanilang mga buhok.
Nguni’t batid ba nila ang misteryong bumabalot
sa bawa’t indak ng luntiang dahon at rosas
na pumapawi sa kanilang lungkot?
Ramdam ba nila ang iyong mga himutok?
Inawitan nila ang luntiang dahon.
Ipinaghele sa pagmamahal ang mga bulaklak.
Ngunit hindi ikaw….
kailanman ay hindi ikaw.
Ikaw na nasa likod ng bawa’t indak at sayaw
ng mga daho’t bulaklak na marahan mong hinihipan
upang magsabog ng karikta’t halimuyak ….
na humahalina sa kanila’t nagbibigay galak.
Ikaw na kanilang nilalason…
Ikaw na hangin.
Posted by Verso para Libertad at 6:34 PM 0 comments:
Labels: poems (social relevance)
Verses For A Battered Woman
perturbed and trying to find comfort
in that solitary room…
all she wanted is to bury her face
in that warm soft pillow.
her heart mourns in silence
for the bruises and wounds
inflicted unto her battered body.
and with her shattered dignity,
her essence as a woman painfully craves
for the fragrance
drawn out from the flowers of human respect.
she keeps on asking…
until when she will suffer?
will there ever be time
for mending a broken heart?
will there be place for forgiveness?
for healing?
hatred is now a cloud shrouding each rays
of her once unconditional love…
and as she hears his dreadful voice
at the other side of the door,
her tired bleeding heart
had shut every emotions connected to him…
that door will no longer be opened.
and to a jaded, tuckered heart…
there's freedom in letting go.
Posted by Verso para Libertad at 1:22 PM 0 comments:
Labels: poems (social relevance)
Monday, February 4, 2008
usok ng kahinaan
ng eratiko’t nanginginig n’yang kamay
upang buong kasiyahang ipaglunoy
sa nanunuyong lalamunan…
hitit…
buga…
hitit at buga pa…
baka-sakaling itakas siya
ng usok-laway na nilulunok
palayo sa kasukalan ng bagabag…
sa pusali ng walang katapusang pagsubok.
hakbang papalayo
ang bawa’t hitit…
ang bawat lunok…
ang bawat buga pailanlang
ng kumekembot, humalakhak na sungayang usok.
kakapit siyang nakangiti pa-lipad sa alapaap.
makikipagtawanan sa mga bituin.
ihahanap ng kagaanan
ang samu’t saring tinik
sa natutulirong damdamin.
paulit-ulit…
palipat-lipat…
pahalakhak niyang isasakay ang kanyang ulirat
sa nagsasalubungang ulap.
kakatagpuin ang sarili
sa hiwalay na mundong nais nyang likhain.
at sa mapungay at kulay-dugong mata…
pakunwaring magtatago at tatakas
ang luray niyang katawan na naghahanap ng laya
upang gulantangin lamang ng katotohanang
itatambad ng kunot-noong araw…
sa kanyang paggising
sarili pala niyang mga kamay ang kanyang iginapos…
sa usok ng kanyang kahinaan.
Posted by Verso para Libertad at 7:34 PM 0 comments:
Labels: poems (social relevance)
R.I.P. (Anti-Subversion Law)
tanikalang apoy na kinakaladkad,
Posted by Verso para Libertad at 2:38 PM 0 comments:
Labels: poems (activism; protest)
Saturday, February 2, 2008
Makatang Makabayan (para kay Oliver Carlos)
ni: William Rodriguez a.k.a Sanib-Isip
Nasa ibang bansa ka man 'di pa rin nakalilimot
'Pagkat sa puso mo bayan na'y nailuklok
Kaya't sa paghawak ng pluma itong tinutula
Binibigkas at inaawit mo hangad na paglaya.
Panulat mo'y tigib ng kasawian at lumbay
Larawan ng Pilipinas iyo lamang isinasalaysay
Sa bawat dukhang lumuluha ikaw'y karamay
Hagupit ng lipunan sa iyo ri'y lumalatay.
Ayaw mo na basta na lang magmasid
Habang ang ila'y payapang natutulog sa silid
Mas ninais mong maging tinig ng mga walang tinig
Upang sa kadiliman hibik nila'y iparinig.
Kay Amado Hernandez ka maihahalintulad
Sa bawat himaymay ng dugo, bayan ang ipinipitlag
'Di nila nasupil ipiniit man sa loob ng rehas
'Pagkat tunay na laya ay walang halagang katumbas.
Mga tula mo ay walang sawang pakikibaka
Laban sa bulok at balakyot na sistema
Kamulatan ay sadyang ibinabahagi sa lahat
Upang karapatang pantao'y 'di tuluyang mawasak.
Kasama, salamat sa mga akdang walang singtapang
Sa pag-aalay ng diwa sa sambayanan
Mistula kang nasa gitna ng himagsikan
Na ang sandata'y pagiging makabayan!
*********************************************
Isang taos-pusong pasasalamat kay G. William Rodriguez (a.k.a Sanib-Isip) sa tulang ito na kanyang ginawa para sa akin. Mababasa ang mga akda ni Ka William sa kanyang blog na pinamagatang Sanib-Isip. Muli, salamat ng marami.
Posted by Verso para Libertad at 2:01 PM 1 comments:
Labels: Sanib-Isip