Monday, June 2, 2008

nung minsang itinali ko ang sarili kong kamay



Minsan ko nang itinali ang sariling kamay
sa itim na kordon ng aking kapilyuhan

-- dahil nilasing ko sa pinainom na apdo
ng sama-ng-loob ang kasintahan ko

Hindi ko yun makakalimutan. Pasuray-suray
siyang pumanaog ng hagdanan. Nakaingos
ang nguso sa matinding galit – padabog na umalis

Inisang hakbang ko, pababa, ang hagdanan
at hinabol ko siya hanggang sa may tarangkahan

ang sabi ko:

“di ko sinasadya kung anuman
ang nasabi ko, nagbibiro lamang ako,
ang totoo, hindi ko kayang mabuhay nang
malayo sa iyo”


Mala ice-cream na rocky road
ang ngiti niyang iyon

at sabay
sa imbay ng balakang,

sa nanunuksong sayaw
sa gitna ng ulan

ang sabi niya:

“lumabas ka dito,
halika
isayaw mo ako”

7 comments:

churvah said...

ay hala..isayaw na.
at baka matunaw ang mala rocky road na ice cream na ngiti ng kung sino mang dilag na iyon.

hehehe.

ang galing tlga dito...
like ur choice of words..and wits if i may say.

pwd ba magpagawa ng tula?
hahah..sabay ganun eh noh?

Verso para Libertad said...

thanks po. ganyan lang talaga pag nakakapag-almusal ng kape at boy bawang,kung anu-ano naiisip. nyeheheheh!

salamat talaga sa mga komento.

Pasyon, Emmanuel C. said...

parang erotikang bitin.

(chanting: more! more! more!)

pen said...
This comment has been removed by the author.
Pasyon, Emmanuel C. said...

huli ka! haha. oks lang yun pen. palagay ko naman, kasabay ng pagkilus tungo pagpapalaya ng lipunan ang pagpapalaya sa represibong pulitika ng libog at katawan.

Vhiel said...

wow.. kakahiyang magcomment in english...hahaha... ganda naman.. bihira na akong makabasa ng tagalog at makakausap ng taong marunong magtagalog.

medyo mainit ang nasa larawan ha...

o cge magandang gabi na lang sayo. ;)

Verso para Libertad said...

hi vhiel:
salamat sa komento at sa pagdaan. sinadya kong ilagay ang pic na yan...for added passion ba. hihihi!!!

salamat talaga.