tinatanong ko ang sarili ko
ano nga ba talaga ako sa kanya?
mga titig…
na tutugon sa nagpapasaklolo
niyang mga titig?
mga palad …
na pagdadaupan ng
mga palad niyang naghahanap
ng init? ng kapanatagan?
o malapad na dibdib, na pwede
niyang pag-hiligan ng kanyang ulo?
ang nais ko sana
kahit minsan man lang, maging labi naman ako--
na lalapat sa naghihintay niyang labi.
pero ganun nga yata talaga,
masaklap mang isipin, hanggang ngayon,
labi lamang ako
na tagasalo sa umaagos niyang mga luha.
Monday, April 21, 2008
ano nga ba ako sa kanya?
Posted by Verso para Libertad at 10:27 PM
Labels: poems (love and friendship)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
mapagbagbagdamdaming likha VPL.
minsan hindi lahat ng nais natin ay natutupad. mas mainam na lamang na mangarap upang kahit sa ganoon ay abot kamay nating naaangkin ang ating nais.
PALABOY
may naisulat ka rin dati, tungkol naman sa isang tao na naghahagis ng abo sa dagat, ngayon ibang point of view -- point of view naman ng patay, pero kahit ano sa dalawa, magaganda. Simple lang pero yung meaning WOW. Galing mo talaga :D
Post a Comment