Hindi ako si Narcissus na bida sa isang mitolohiya.
wala sa akin ang kakisigan o kagandahan
upang sambahin…
pakatitigan ang sariling anyo
sa harap ng pinagtining na tubig-batis.
Hindi marapat.
Hindi marapat.
Walang kahulugan ang linaw ng tubig
gaano man ito kalalim.
Ang titigan at sambahin ang sarili kong anyo
ay lalong magpapabigat
sa di-matingkalang sakit
sa pagkabagabag…
sa hapdi…
sa latay ng aking pagkasadlak sa putikan.
Ang sarili kong anyo’y niyurakan
Ang sarili kong anyo’y niyurakan
ng mga anak kong nagkanulo at nagpagahasa
sa yaman at kagandahan kong taglay.
Makikisig silang namintuho
Makikisig silang namintuho
at nagpakita ng pagpapahalaga.
Huwad na pagmamahal pala
na winisikan ng sanghaya ng karangyaan.
Sa kalaunan ay pinagmistula nilang sisiw
Sa kalaunan ay pinagmistula nilang sisiw
na pinadagit sa mga agila…
upang busugin lamang ang kanilang pagkahayok
at magdusa sa gitna ng kanilang pagpapasasa.
Ako na sarili nilang ina…
Ako na sarili nilang ina…
ipinagkanulo nila upang magkamal
ng yaman na kaya ko namang ibigay sa kanila..
Hindi ako si Narcissus…
Hindi ako si Narcissus…
ang pangalan ko’y PILIPINAS.
1 comment:
Pilipinas, miss na miss na kita!!!
Post a Comment