Wednesday, March 26, 2008

Be Specific (kung hihiling kay Lord)

Nakaluhod

taimtim ang usal
ng lalaking nagdarasal-

sa harap ng altar

“ sa inyo po, O’ Diyos
aking hinihiling,
sana’y magbuntis na
ang tanging babaing
nagmamahal sa akin”


sa kanyang pag-uwi
nadatnan si misis;
salubong sa kanya’y
nagliparang damit,
baso, sandok, walis,
at platong may pansit...

ang sigaw ni misis:

“si Inday! si Inday!
hayan nagdududuwal!
ang sumbong sa akin, iyo raw ginapang!”

(… kooyah...wag pu! )

3 comments:

rc said...

lol, yung kasamabahay nila yung ngmamahal sa knya?? O_O

hehehe... XD

b3ll3 said...

natawa ko..hehe! galing talaga ni kuya!

the hopeless chick said...

..hahahaha! panalo!