Hinahagkan ko
ang ating nagdaan
Sa ilog
at pampang ng ating suyuan.
Sumasagwan
sa banayad na alon,
sa tunghay at sinag
ng nagluluksang buwan.
Lumbay na himig
ang hapis na huni
ng mga kuliglig,
sa pagod na indak
ng mga alitaptap
na walang madapuang
mala-sutlang balat,
at di makahanap
ng masuyong kuyom
sa iyong mga palad.
Sumasanib,
pumipisan sa daloy ng luha
ang patak ng ulan.
Humahalik sa pisngi.
Makirot bawat dampi.
Kasing-kirot ng paghalik
ng ulilang alon sa pampang,
Kung saan ko
ikinalat
ang abo
ng iyong katawan.
Sunday, March 16, 2008
Halik sa Nagdaan
Posted by Verso para Libertad at 3:36 PM
Labels: poems (love and friendship)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
6 comments:
nice one!
ramdam ko ang lungkot, ngunit panandalian lamang. ang buhay nga ay sadyang ganyan, may dumarating may mawawala, ngunit sa bawat mawala nawa'y ang magandang alaala nila'y pangalagahan. at bawat paglipas nila'y hindi maging sagabal sa ting pagpapatuloy ng buhay, datapwa't ito'y maging inspirasyon nang tayo's lumakas at magpatuloy.
ang lungkot naman kaibigan ko,naaalala ko tuloy yong tatay ko, sabi nga nila ang buhay ay hiram lamang. Ingat ka lagi...
lungkot naman.. :(
habang binabasa ko yung unang mga linya -- hindi ko pa siya gaano naintindihan -- nun nabasa ko yung pinakahuli, nagulat ako "ikinalat ang abo ng iyong katawan"
binasa ko uli sa pangalawang pagkakataon.. naintindihan ko na, namatay ang gf/bf/asawa. pero mas na-iimagine ko isang lola ang namatay tapos lolo ang nagtatapon ng abo.
Ganda ganda!
sa inyong lahat na nag -comment sa post na ito, salamat po ng marami. God bless sa inyong lahat.
aww,.. sad..
pero ang ganda... ang galing mo... isa kang makata...
-keep up the good work! ^_^
saludo ako sayo!
Post a Comment