Sinalok ko sa aking kamay
ang may sabong tubig
mula sa batyang pinaglalabhan.
Lilinisin sana
ang dumi sa laylayan
ng aking pantalon na kasusuot lang
Dumating ka
at iniabot sa akin
ang isang putol na Mr. Clean--
na kabibili mo lang sa tindahan.
Sa malagkit mong pagkatitig
di mo na siguro narinig
ang paghingi ko ng paumanhin;
sa walang paalam na pagsalok
sa iyong batyang may tubig.
Kahit nga ako, tila naguluhan
sa aking pagsosori na pautal-utal,
na pakiramdam ko ay humalo lamang
sa malalalim na buntung-hininga,
at sa tarantang pagkurap
ng namumungay mong mata...
Gayunpaman, salamat sa sabon
at sa sumungaw na ngiti.
Sisiguraduhin ko,
bukas
may dumi ulit sa laylayan ng pantalon ko.
Tuesday, March 25, 2008
Sa Dalagang Naglalaba sa Gilid ng Eskinita
Posted by Verso para Libertad at 4:08 PM
Labels: poems (love and friendship)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
3 comments:
kakatuwa! kadua malamng bukas 2 na silang labandero at labandera! kikita ang mr clean sa kanila! heheh corny nu! oist may gaw na me new blog! http://juleswitchysmile.blogspot.com/
ay kuya natawa ako!
gawa ka ulit ng mga ganto ha. :P
hindi ba pwede sa sunod ARIEL naman, mas mabisa yata yun haha
Post a Comment