sa kaiisip sa paparating na baha,
nagtayo siya sa tuktok ng burol
ng isang konkretong bahay. aniya,
“ ang aking bakod at pundasyon
ay dapat na maging matibay”
adobe …
adobe…
at adobe pa.
araw-araw… araw-araw niya
itong pinapatibay. nanigurado sa buhay.
upang sa dakong huli, paglingon
niya sa kanyang nagdaan,
maiisip lang,
na nakalimutan pala niyang mabuhay…
at makipamuhay.
Tuesday, April 1, 2008
adobe sa bahay
Posted by Verso para Libertad at 3:38 PM
Labels: poems (philosophical)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
3 comments:
Hi!
Di ko alam
Kung paano magpasalamat...
Malaking bagay
Ang iyong ginawa...
Ang makita ka sa aking blog
Ay langit na...
Salamat po sa pagdalaw!
ang sarap tlagang makabasa ng tagalog... kakamis tuloy ang pilipinas
@Rahamitz: akin ang karangalan na madalaw ka sa iyong blog. keep on sharing at salamat sa comment.
@Vhiel: natutuwa ako at appreciated pa rin ang mga akdang Filipino. "kamatayang maituturing ng isang manunulat ang malaman na wala ng nagbabasa sa mga gawa niya"...salamat. maraming salamat.
Post a Comment