Sunday, May 18, 2008

Babae sa Sapatos

Tinatapakan ng suot kong sandalyas
Ang tinatambol kong dibdib - ngayon

Bakit naman ngayon pa! Kung kailan
makakaharap ko na siya at makikita ng malapitan

Mula sa silyang kinauupuan, tumatagos
Ang tingin ko sa istante ng mga sapatos

Habang pinagmamasdan
ang indayog ng kanyang balakang.

Kasabay ng pagbuklat sa kahon
Ang halimuyak ng paglapit

Nakakalito. Nalilito
Maging ang tila nagja-jack hammer kong tuhod

Hindi ko tuloy alam
Kung alin nga ba ang gusto kong sukatin

Ang tayug ba ng dibdib at bilog ng hita niya
O ang Chuck Taylor na isinusukat niya sa aking paa?

Sigurado ako,
Gusto ko yung sapatos--kahit masikip.

Ang hindi ko sigurado
Ay kung ano ang nangyayari sa pantalon ko

Bakit parang sumisikip?

3 comments:

pen said...
This comment has been removed by the author.
Verso para Libertad said...

Hi Pen,
Di ako yan ha! iba naman ang persona sa tula dun sa author ng tula...hehehe!. Yan ang naughty side ni Verso. Mahirap syang nakakapag-almusal ng kape at Boy Bawang, kung anu-ano ang naiisip! Salamat sa komento.

pen said...
This comment has been removed by the author.