gigil…
kinakanyod ng nakakubabaw na tandang
ang damulagang
ni hindi pa nangangakak.
itinatakip ng luntiang dahon
ang sariling pagkadahon,
pinipilit ipagsanggalang
ang sariwang bulaklak
laban sa sirit ng amoy chlorox na tubig.
iwinawasiwas…
pilit inilalaglag ng hanging marahas
ang nag-iisang palda sa sampayan.
Sunday, April 27, 2008
"gahasa"
Posted by Verso para Libertad at 1:11 PM
Labels: poems (social relevance)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment