walang kwentang tula ito
pinapauna ko na sa iyo. dahil gasgas na -
sa pamagat pa lang - ang mga tulang may kaugnayan
sa patak ng ulan
pero anong magagawa ko, dahil sa pahamak na ulan,
mahapdi pa rin hanggang ngayon ang siko kong nagasgasan --
nung minsan akong madupilas sa kahahabol sa iyo,
right-cross at uppercut pa ang inabot ng panga ko.
ayaw mo kasing makinig sa paliwanag ko
puro ka “ I hate you! … puro ka “I hate you!”
cannot be reached pati ang celfon mo.
yung german shepherd na nasa loob ng bahay,
itinali mo sa harap ng pintuan.
balak mo pa yatang ipa-almusal
ang siko kong nagkulay brown
pero huwag kang mag-alala,
tatahol ako ka-duet ng aso. at di ako aalis
sa harap ng gate niyo, kasi gusto kong malaman mo
na pinsang-buo ko yung kasukob ko
nung araw na umuulan at nakita mo ako
please naman love … bati na tayo.
Friday, April 4, 2008
isang gasgas na tula, sa pamagat pa lang, "ulan"
Posted by Verso para Libertad at 3:53 PM
Labels: poems (love and friendship)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
ayos 'to! gasgas sa papel, hindi sa pandinig. ang sarap ulit-ulitin..
salamat sa pagdaan! :)
Post a Comment