Friday, February 29, 2008

Langgam sa Bilao

Nagtatahip ang ina ng inimis na bigas.
Maraming nalalaglag mula sa kiskisan.

Pasuray-suray.
Biling-baligtad ang mga langgam.
Nag-uunahang makalabas sa bilao.
Bagaman gutom din,
iniiwasan ang bagsak ng luha
mula sa inang balisa.

Tahip ng dibdib.
Kasaliw ng tahip sa bigas na imis.
Saan pa siya hahanap ng bigas na pantawid?
Bawal ng mamulot sa kiskisan.
Bawal ng makiusap na dugtungan ang buhay.

Nagpupulasan.
Di man nila sinasadya,
ang paglabas sa bilao ay pakikisimpatya,
sa mga tahip ng pagkabalisa.

6 comments:

Anonymous said...

May iniimply ba itong social or economic issues? Mahusay ang pagkakagawa ng tula. Sali ka sa Palanca. Hehe.

Verso para Libertad said...

salamat sa koment,randoms. paglalarawan ito ng kahirapan sa kanayunan. karaniwang makikita ang ganitong eksena sa probinsya. makikita doon ang mga inang walang maibili ng bigas at hinihintay pa ang tag-ani. makikiusap sa may-ari ng kiskisan na mang-imis ng laglag na bigas. hindi lahat ng ibinubuga ng bandeha sa kiskis ay nasasahod ng balde. winawalis nila yun kasama ng mga durog na bato, darak, mata, binlid. pinipili at sinasaing...yung iba binebenta bilang kaning-baboy. doon sila umaasa ng pantawid gutom.

jericho said...

thanks for coming by my blog. great respect for those who can write poems! laluna sa mga makabayang manunula.

Anino said...

Kahirapan!Eksakto ito at napapanahon dahil ang ating pinakamamahal na REYNANG LANGGAM ay, ay NAKI_USAP sa bansang Vietnam na huwag maputol ang pag-angkat ng bigas. Nasaan ang sinasabing pag-unlad ng ating ekonomiya?

Anonymous said...

Honestly, as I read it, i feel something pinching in the heart (ko!)...I know this is not to be understood literally... but i don;t really know the exact meaning or what the author/poer wants to convey. But this is beautiful....

http://monitiseit.blogspot.com

Anino said...

Magandang gabi,VPL.