may kirot akong nararamdaman
sa papabilis na lakad ng ating hanay
tumutusok ang mga durog na bato
na nasa loob ng sapatos ko
nguni’t tuloy lang sa pag-awit
at pagsigaw para sa pagbabago
ayaw kong yumuko
ayokong alisin
ang matatalim na bagay na iyon
na sumusugat sa paa ko.
natatakot ako
baka sa aking pagyuko
mawala ka sa paningin ko
kailangan ko ang init ng mga palad mo.
Monday, February 18, 2008
"rally"
Posted by Verso para Libertad at 8:13 PM
Labels: poems (activism; protest)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
4 comments:
to UP PINAKAMAHAL- only proves that education in the Philippines is no longer a right but a privilege to the few rich people. :(
what would become of the Philippines?
kumusta napadaan din ayos ang banner mo ah! pulang pula!
may kurot sa puso ko ang ginawa mong tula.
dun sa skul namin lagi din may rally! umiikot sila sa building! tuwang tuwa ako kasi para silang nagpaparada eh mahilig ako manuod ng parada! but di ko sinubukang sumali kasi baka maapakan lang ako...
ang galing u po talaga magsulat!
Post a Comment