Sa pagtiklop ng huling blusa
na ipinasok sa maleta,
alam kong tumiklop na rin
ang nalalabi niyang pag-asa.
Iniisip ko
kung kasing-alat ba ng luhang
humahalik sa labi niya,
ang pinong asin na naihalo ko sa aking
kape, habang poot kong pinagmamasdan ang
mga hakbang niya?
Sa huling pagkakataon,
nakita kong tinitigan niya ang geyt
na may nakaukit na dalawang pangalan sa loob ng puso.
Laglag ang balikat,
marahan niyang hinahatak
ang kanyang maleta.
Hakbang papalayo...
Bukas ng umaga,
papalitan ko ang disenyo at kulay ng geyt,
Aalisin ang isang pangalang nakaukit doon;
Tutungkabin ang lumang pintura,
at papawiin ang makapal na kalawang.
Tulad ng pagpawi sa alaala
ng kumapal na kalawang
ng kanyang kataksilan.
Sunday, March 16, 2008
"Separasyon"
Posted by Verso para Libertad at 9:13 PM
Labels: poems (love and friendship)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
6 comments:
oh it hurts...
how cruel...
Gie, thanks for postin. yeah...cruel indeed. ewan ko ba ispiritu ng lagim yata ang sumasanib saken nowadays...puro lungkot ang naisusulat. sana next time comedy naman. harinawa...
ang lungkot naman... ngtaksil yung asawa niya?
may reason kung bakit kailangang maghiwalay maaring di na masaya ang isa kaya kailangan ng..........
nangyayari talaga yan sa totoong buhay kesa naman habang buhay na magdusa ang isat isa di ba????????
sana maaring maging malaya sa lahat ng bagay...sana hindi mahirap sa kalooban ang lahat...sana
Post a Comment