Wednesday, March 5, 2008

ILoveYou, Asawa koh (...'namu! )



Nakakatulig ang lagabog ng berdeng geyt.

Sa marahas mong pagsara, di napansin
Ang tumalsik na padlock sa tabi ng basura.
Muntik tamaan pati bubwit - na bumibisita.

Nagsusumbong ang tahol ni Sunshine.
Bahag ang buntot, isiniksik
Pinagkasya ang katawan sa ilalim ng sofa.
Masakit ang tadyak, mahirap madamay.

Napapasabay
Sa nginig ni Sunshine ang tarantang kamay
Di ako mapalagay. Hindi na kaya
Na salagin ng nguso ang kamay mong bakal.

Dinukot ang natitirang pera sa pitaka.
Promissory Note. Na naman.
Makapag-test lang ang mga bata, kahit nahihiya,
Makikiusap ako para sa kanila.

Huwag lang magtiis sa sampal at mura.

Heto pera. Sige na.
Ubusin mo sa alak,
Mag-tong-it ka.
(Volta ng Ina ka!)

5 comments:

churvah said...

elo..

impressed nman aq sa mga posts dito.
luuuffeeet ng mg tula mo..

keep it up!

btw, ang cute nung my diary mo sa header..

Verso para Libertad said...

Thank you sa comment mo,Churvah. Salamat sa pagbabasa at pakikibahagi. Nakakatuwang malaman na marami pa ring nakikinig at nakakadama sa mga hikbi at daing ng lipunan.

churvah said...

oo nman noh!
i still care for our inang bayan..un nga lemeng..di halata.lolz!

wanderingcommuter said...

vivid yet moving...huwaw!!! salamat sa pagdaan. i'll link you too..

Anino said...

Shit, ang ganda! Nakapag-Ingles tuloy ako!