. . . at gayun na nga, tulad ng mga nauna sa kanya
sumungaw lang sa kanyang nunal ang mga hungkag na kataga:
“Ating kulayan ng puti ang nakalatag na dilim. Sikaping
maampat ang daloy ng dugo sa mga sugat. Mag-usap
Hawiin, pawiin ang usok sa dulo ng ating mga armas”
Malapit sa lupang kanyang tinatapakan, sa isang libingan,
magkaisang-tinig na humiyaw ang mga napaslang na kawal
sabay sa luksang palahaw ng mga anakpawis na nabuwal
sa kabundukan— na ngayo’y pinapaypayan na lamang
ng mga damong ligaw na tumubo upang takpan
ang mga libingan nilang walang pangalan at palatandaan:
“Kung itinuwid n’yo lamang, noon pa man, ang lahat niyong kalikuan
matagal na sana tayong tahimik. Matagal na sanang tapos ang lahat.”
Thursday, April 16, 2009
Tigil-Putukan
Posted by Verso para Libertad at 6:03 AM
Labels: poems (activism; protest)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
Hi Ver,
Napadaan lang sa iyong blog, kaya mag-hello na rin ako.
Hello.
Alex D.
salamat na marami sa pagdaan. ingat lang po.
Post a Comment