Sa bawa’t simula ng mahamog at inaantok na umaga
isinulat ko sa daliri - sa bintana ng mga sasakyan -
ang iyong pangalan.
Sa paisa-isang pagluwa mula sa bulsa ng puso
ng mga talulot ng panaginip—ng malayang paglipad—
kakapit-kamay ng minsa’y ngumiting nakaraan
sa piling mo, naihatid ko nang sabay ang mga ungol
ng agam-agam at andap-kislap na pag-asa—
doon, sa dambana ng mga ulap-dalanginan
Iniukit kita sa dibdib na kitlin-buhayin ng pananabik-
at dito, hamog ka at niyebeng
di napagmaliw ng matindi mang sikat.
Nakangiting sinuklayan ng pag-asam
ang buhok ng bawa’t kong umaga
Maging ang pisngi na dati’y ipinagkakait
sa kinaiinisang patak ng mahapding niyebe at hamog,
malaya kong naipaubaya at naipadampi. Dahil umasa ako.
At nagbalik ka. Salamat nagbalik ka.
Ikaw — ang kiming dahon na umusbong
sa mga taglamig, tagsibol, at taglagas ng buhay ko.
Thursday, April 2, 2009
Salamat Nagbalik Ka
Posted by Verso para Libertad at 2:52 PM
Labels: poems (love and friendship)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
Salamat VPL sa pagbabalik sa site ko... Pero bakit? Bakit? Bakit mo ako bi-nan sa cbox mo? Oh Hindiiii...????
shet!
Post a Comment