Sa bawa’t pag-akyat
At pagdausdos
Sa rurok
Ng mailap na tulog
Sa mga gabing
Tumititig ako sa kamatayan
Habang pilit na nilulunod
Sa alak
Ang nagtampong nakaraan,
Naroon ka
Sa loob ng bote —
Nakangiting nagsasayaw.
Wednesday, May 6, 2009
Sayaw sa Bote
Posted by Verso para Libertad at 9:59 PM
Labels: poems (love and friendship)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment