Sinasaksak ng tubig-ulan
na bumubulwak mula sa alulod
ang lupang naghihinagpis
sa tinatamong malalalim na sugat--
mga saksak ng siphayo,
sundot sa budhi na bumabaon
sa sugatang dibdib
ng babaing nakatanaw sa bintana
na sinasaksak ang labi ng mga luhang
naglalandas sa magkabilang pisngi.
Sa di-kalayuan
iniikutan ng mga langaw at lamok
ang nakabaong fetus
na inagaw niya sa kanyang matres.
Friday, May 16, 2008
fetus
Posted by Verso para Libertad at 4:31 PM
Labels: more poems
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
Kawawang bata...
hi there lyza!
salamat ng marami sa pagbabasa at sa komento. ingat lang.
Post a Comment