Nakikita ko
Ang bawat hataw ng truncheon
Sa mga katawang humahandusay-
Tumitindig
At muling humahandusay.
At sa bawat sikwat ng kalasag
Na isinusungalngal sa mga bibig
Sa ngalan ng kapayapaan;
Sa bumubulwak na dugo
Na di-nanaising ipang-mumog--bago
pa ibuga sa itim na tubig na dumadaloy sa kanal,
Nararamdaman ko, unti-unting inaanod,
Inihahatid ng tubig-kanal papasok sa imburnal
Ang aking kalayaan.
Tuesday, May 6, 2008
"dispersal"
Posted by Verso para Libertad at 9:45 PM
Labels: poems (activism; protest)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
4 comments:
ang ganda ng tula u kuya!ramdam ko un lungkot...bakit kaya ganito ang nangyayari?
FREEDOM OF EXPRESSION. meron nga tayo nito sa Constitution, subalit bakit sa panahon ngayon ang ganitong kalayaan ay pilit na niyuyurakan ng mga nasa tungkulin. Napanood ko ang pangyayaring ito paulit- ulit sa balita ang unti- unting nadudurog ang puso ko. Bakit sa bawat salitang mahalaga't totoo na bibitawan mo sa ngalan ng FREEDOM, sa bawat prinsipyong ipinaglalaban mo sa isang bansang may kalayaan at demokrasya ay
pilit na pinipigilan at ikaw pa ang nasasaktan. Nasaan ang KALAYAAN ngayon?
Sa halip na tayo ay pigilan nila bakit hindi na lang nila tayo pakinggan?
manaka-nakang naaaninag ang kalayaan sa mga plakard at streamers na iwinawagayway. pero tinatakpan ito madalas ng manilaw-nilaw at malapot na usok ng teargas na nagpapahapdi sa balat ng taumbayang sumisigaw. 20dolyar ang halaga ng teargas bawat isa.sapat ng pambili ng gamit sa eskwela ng isang nasa elementarya.
minsan, mambabambo na lang ako ng nangdi-disperse
Post a Comment