Monday, March 1, 2010

Sa Bintana

Karimlan ang tawag
sa kariton na nakahimpil sa sulok ng bangketa—

inaring kanlungan
ng limang-taong-gulang na kamusmusan;

sa tutop-sikmura
naaanggihan niyang pagdakip sa tulog

sa gitna ng ungol, lumbay na ihip
ng kawalang-katiyakan.

Karimlan ang tawag
sa ikinukumot niyang pusikit at malawak na dilim

na mabilisang hinihiwa
ng liwanag galing sa lumilikong mga sasakyan.



--------
March 1, 2010

No comments: