Wednesday, January 30, 2008

Sana'y wala na lang paalam



Kung ang paglayo
sa mahal sa buhay
ay tulad lang sana
ng pagpapatiwakal…
hindi na lang sana ako
paulit-ulit pang mamamatay...

Wala na sanang mararamdaman
pang pait at lumbay
na paulit ulit kong nararanasan
sa tuwing tayo’y maghihiwalay…

Kung sana sa bawat paglayo
ay wala na lang paalam...
Wala na rin lang sanang mga matang
lumuluha at umaasam…
ni wala na ring mga gabi
ng pagtitig sa kalangitan
sabay ng pagsamo
na sana’y bumilis ang ikot ng orasan…

Kung sana man lang…
Sa bawat paglayo’y
wala nang mga pusong nasasaktan…
Di ko na nanaisin pa…
na sana’y wala na lang paalam…

Paalam…
hanggang kailan ko sasabihing…PAALAM!

*********************

... one of the greatest pain of being
a migrant worker is the inability to
hug your loved ones as often as you
want...
the pain of longing and the misery of
not being there to share with your
kids those precious bonding moments...
17 years away from home...i lost my
life for them to have one.

1 comment:

Anonymous said...

ang paglalayo ay paglalapit din..ika nga sa isang awitin..pisikal ka man nawawala ngunit ang puso at diwa mo ay nariyan upang mabigyan ng magandang kinabukasan ang iyong pamilya..ang pamilya ng tulad mong migranteng pilipino na nagdurusa sa ibang bansa sa paghahanap buhay para sa kanilang pamilya...
masakit ang katotohanan na sa sumandaling iniiwan natin ang ating pamilya..iniiwan din natin ang responsibilidad nating maging nanay at tatay sa pang araw araw...ang sakit...