Sunday, January 27, 2008

Homesick vs. Dollar


pahalukipkip akong naglalakad
sinusundan ang pakiwal-kiwal,
mala-ahas na daanan - daanang likha
ng pabalik-balik na bulldozer
na nagtatabi sa bunton ng niyebe.

tagipos na puti. kislap at kinang
ang sumisilaw sa mata.
sa magkabilang gilid ng kalsada.
mula sa langit ay busilak at bulak na puti pa rin
ang mga patak. dadampi sa pisngi ang niyebe
ng pighati. upang doo’y katagpuin at niigin
ang umaagos na luha sa mata kong namamanglaw.

mahapdi sa tuwing maghahalo ang niyebe at luha.

kasing-hapdi ng maraming sana…na matagal nang nanahan
sa sugatang dibdib…
na marubdob pa ring umaasang ang lahat ay matapos na.

dolyar katumbas ng pangungulila.

3 comments:

pen said...

hindi matutumbasan ang kasipagan ng mga OFW..subalit sa kabila nito, kapalit ay panahong nawala kasama ng kaninlang mahal sa buhay.
panahon na sana ay napagmasdang lumaki ang anak..panahong sana ay napakinggan ang bawat matatamis na halakhak..panahon na sana ay napunasan ang mga luha ng pighati..

tama ka napakaraming sana..

tiis lang kaibigan..makakapiling mo din sila..

Anino said...

Isa iyan sa dahilan kung bakit nagkaroon kami ng bangayan ng propesor ko. Sabi niya,hindi daw dapat tawging bayani ang mga OFWs.

Anonymous said...

naisip ko bigla kasi baka mag abroad din ako kapag nagtrabaho na... maraming pagsubok T__T