Thursday, January 24, 2008

moderate their greed


moderate their greed...

ito na yata ang pinaka-garapal na salitang maririnig ng taong-bayan sa isang inaakala nating marangal na taong tulad ni Former Sec. Neri. Ito ang sabi nya kay Rodolfo "Jun" Lozada sa layuning pagbigyan ang garapal na katakawan ng mga nais mangumisyon (read: magnakaw sa pera ng bayan) sa proyektong NBN-ZTE.
130 milyong dolyar na komisyon mula sa lomobong 329 Milyong dolyar na telecommunications project na balak nilang iutang sa Tsina. Mula sa dating mahigit dalawang daang milyon ay lumobo ng ganun kalaki dahil sa 130 milyong kumisyon na balak nilang ibulsa.

Sa pagtestigo ni Lozada, di nila ngayon malaman kung paano pagtatakpan ang umaalingasaw na bahong ito na nangyayari at patuloy pang mangyayari kung magsasawalang kibo ang taumbayan....

'moderate their greed'... a conspiracy of the thieves in government....

how i wish...they "exterminate their breed" as well...

3 comments:

Anino said...

Paano kaya papatayin ito ni GMA?

Pasyon, Emmanuel C. said...

mukha ngang mas maganda yung suhestyon mong "exterminate their breed" para everybody wins di ba? isipin mo, wala na mga kurakot, naging pataba pa sa lupa.

Verso para Libertad said...

To Anino: simple lang, umamin na lang sa kasalanan at bumaba na. pagdusahan ang kataksilan sa bayan.

To: Em,
Salamat sa pagdaan at sa komento. Madalang akong sumulat tungkol sa mga ganitong paksa. Litaw ang galit sa akin at di ko maiwasan. ingat lang.