Itinuturing kong isang karangalan ang mapabilang sa walong kontribyutor na hiningan ng panayam ng emanilapoetry website. Ang emanilapoetry (web and print ) bilang tagapaglathala ng mga akdang pampanitikan ay isa sa may pinakamalawak na hukbo ng mambabasa at naglalathala ng mga tula, sanaysay at iba pang akdang pampanitikan. Ang mga literary journals at print magazines nila ay nababasa sa buong Australia at Europa.
Nakatutuwang isipin na sa daan-daang kontribyutor nila, isa ako sa mga naalalang kapanayamin ng emanilapoetry upang magbigay ng pananaw hinggil sa tula at pagtula. Nagbigay sila ng magkakatulad na limang tanong sa lahat ng kinapanayam at nakagugulat ang lawak ng kaisipan ng ibang mga kapwa-manunulat. At yamang binigyan nila ng pagkakataong mamili ang mga kinapanayam sa lengguaheng gustong gamitin sa pagsagot, minabuti kong sagutin ang English nilang tanong sa wikang Filipino.
Ang sumusunod ay ang naging daloy at laman ng panayam:
*****
emanilapoetry: What draws you to express yourself through poetry and what drew you to poetry in the first place?
Oliver: Maraming bagay ang nagtutulak sa akin upang ilahad ang aking sarili sa pamamagitan ng tula. Para sa akin, ang buong uniberso ay isang malalim na tula. Humuhugot ako ng inspirasyon sa mga bagay sa paligid,– may hininga man o wala.
Sa tula, sabi nga ng isang makata, maaari kang magtayo ng bantayog mula sa abo, at magagawa mo ring hipan upang iguho ang isang kastilyong nagpapanggap na marmol. Kagaya ng marami, nagsimula lang sa tinatawag na “hobby” at pagtatagni-tagni ng ilang taludtod na may sukat at rima sa dulo – pinagdidikit na mga kataga tungkol sa pag-ibig, sa ulan, sa bukid, sa kalabaw, sa masasayang alaala ng kabataan. Naka-tsambang mailathala ang isa. . . na sinundan ng pangalawa, ng pangatlo at marami pa.
Ang mga una kong naisulat ay mga temang mabababaw at nangangangapa sa porma, tinig at istruktura at malayo sa aestetikong pamantayan para matawag nga talagang tula. (kahit naman siguru ngayon, hindi ko pa rin kayang sabihin na ang mga ginagawa ko ay tunay ngang mga tula – sa istriktong pakahulugan ng mga batikan at dambuhalang personalidad ng panitikan. Pero umaasa rin ako, katulad ng iba pa, na matagpuan ang sariling tinig at pagkakakilanlan sa larangang ito.
emanilapoetry: How do your current posts compare with the first poem you published on emanilapoetry?
Oliver: Mapangahas! Matigas ang ulo at nagpipilit maging maangas! – siguro ganito ko gustong ikumpara ang mga isinusulat ko ngayon kumpara sa mga nauna. Mula sa nilalanggam at nakaka-diyabetis na mga tula ng pag-ibig, nakakabuo na rin naman kahit paano ng mga tulang may angas magtanong kung bakit walang mailagay na bigas sa kaldero ang isang maybahay hanggang sa kung magkano binili ng isang kurakot na pulitiko ang condo unit na pinang-regalo sa kabit niya, maging hanggang sa mga tulang nakikipag-usap at nagbibigay pangalan sa mga tala at buntala.
Sa teknikal na aspeto, aaminin kong hindi ako sigurado kung ang mga isinusulat ko ngayon ay maikakategorya ngang mga tula ayon sa nakakahong pamantayan sa pagsulat ng mga “dekano sa pagtula”. Wala kasi akong pormal na kasanayan at hindi rin ako tumuntong sa alinmang paaralan o palihan sa pagtula kung kaya’t ang iba sa mga naisusulat ko ay umaani ng mga pagbatikos sa aspetong teknikal.
Sumusulat ako ayon sa dikta ng aking diwa nang hindi tumitingin sa nakalimbag at nakakahong mga panuntunan sa kung ano ang dapat at hindi dapat sa pagsulat. Aaminin ko ring ang iba sa mga naisusulat ko ay mga “cliche” o gasgas na tema pa rin (sino nga ba ang tuwirang makapagsasabi na lagpas na sila sa ganung antas at ang lahat ng mga naisusulat ay pawang bago?) pero patuloy na binabaka ang ganitong tendensiya at nagsisikap na makapagprisinta ng kung hindi man bagong tema ay bagong atake at pamamaraan – kahit pa nga madalas ay kinukutya at pinagtatawanan.
Ang tula naman ay patuloy na nag-eevolve. .. gusto kong mag-eksperimento, gusto kong tawirin ang mga hangganan, at makapagtakda ng mga bagong hangganan. Balang araw gusto kong makasulat ng mga akdang kayang makipagmatagalan sa panahon…harinawa.
emanilapoetry: As you are so attracted to words, how do you feel about the way language is being used in today’s world?
Oliver: Maraming pananaw tungkol sa paggamit ng lengguahe sa mundo. Tubig-karagatan ang pananaw ng iba sa lengguahe at para sa kanila isang partikular lang na lengguaheng naiintindihan ng lahat o mag-uugnay sa kalat-kalat na mga isla ang dapat gamitin sa tula o sa literatura . . . may mga tumitindig pa ngang English lang ang may pinakamatimyas na salita at dapat gamitin ng buong mundo.
Nalulungkot ako sa ganitong pananaw dahil pinapatay nito, katulad ng nangyayari sa Pilipinas ngayon, ang ibang mga lengguahe. Pansinin nating ang arbitraryong pagpapagamit ng gobyerno ng salitang Tagalog sa ibang mga rehiyon ay unti-unting pumapatay sa nakasanayan nitong lengguahe, halimbawa ng mga Bikolnon, Hiligaynon, Kapampangan at iba pa. Para sa akin, dapat ituro ang sariling lengguahe sa kung alinmang probinsya ito katutubung binibigkas. Hayaan itong yumabong kasabay ng pagyabong ng literatura nila.
One emanilapoetry member once commented: “Pag mas marami ang nahihikayat maging makata sa isang bansa ay mas yumayabong ang kultura ng bansang iyon.” In what way or ways can poetry enrich a nation’s culture?
Oliver: Naniniwala ako rito. Mas maraming makata, mas malaki ang tsansang makahukay ng diyamanteng akda mula sa kanila. Hindi lamang yaman na maituturing, kundi “katiyakan” na hindi mamamatay ang isang kultura o kalinangan. “Ang isang akdang walang kamatayan ay ang selyong magpapatunay na hindi mamatay kailanman ang isang kalinangan”.
emanilapoetry: Any advice you have for those who want to have their hands on poetry?
Oliver: Magbasa . . . tumuklas. Huwag matakot sumubok at lalong huwag matakot mabigo. Ituring na hamon ang bawat pagbatikos at huwag maging balat-sibuyas sa mga puna. Higit, sa lahat…lagpasan at pangibabawan ang nakikitang mga kahinaan.
emanilapoetry: Thanks Oliver for sharing with us your thoughts.
Wednesday, February 16, 2011
Panayam mula sa emanilapoetry
Posted by Verso para Libertad at 8:52 AM 0 comments:
Labels: panayam
Sunday, February 13, 2011
Babo Entabladu
matarling ya siuala ing matuang lalaking gaganap a bida
king metung a piyalben dikil keng temang pamisalba
king mamamate amanu, kalalangan at literatura—
king malamyus nang pamigale king kudta nang poema,
ing sabi na:
gusal ta na! guniat ta na! itamu ngan, kimut ta na!
ban e mate ing amanung kekatamu pepamana
meko keni kayanakan, ikayu mu ing pag-asa
ikudta yo at igale ding poesya yung makarima
dinan yo ke karing bayu’t mangasanting yung ideya
alang ketunan-tunan, linapit ya ing metung a kayanakan.
ala yang nanumang sinabi...
misdan la at metigalgal ding e makapanwalang malda
iniang begut ne king pangatakas ing baril a sasalikut na
atsaka ne berilan a buntuk ing mipase matua…
oyan ing kalalangan! oyan ing literatura!
papalakpak la at mag-viva
ding mekayalbe at dinamdam
king mesabing drama.
******
2011
Oran, Algeria
Posted by Verso para Libertad at 9:00 AM 5 comments:
Labels: poems (kapampangan)
Tuesday, February 8, 2011
Pablasang Bisa Iang Mie
libutad da ring mengamate-- ing magnasang mie.
dangal ing egana-gana-- guguliac ning pilubluban
nung iti ing mauala, nanu pa, ing cabaldugan ning sabla?
at nung queti e que atupan, sana mu man, atiu carin
quing canacung puntan.
(nucarin ne pin igutan ing mapupuput nang inaua—caninu ne iasa?
caring capara nang mebuluc na dapot mumusig a pangisnaua ?
carening magmalinis dapot liclac na naman ning sistema? )
at quing carelang pangabigla …
menaimic la ring maligalig at masigla.
meligalig no man ding sadyang payapa –
quing minagus at sinabulbul a daia
ning taung mipase.
ning mete magnasang mie -- libutad da ring mete.
---
SAPAGKAT NINAIS NIYANG MABUHAY
-- Oliver S. Carlos
sa gitna ng mga namatay – ang nagnanais mabuhay
dangal, higit sa lahat --- kalooban ang nagsisiwalat
kapag ito ang nawala, ano pa nga ba ang saysay ng lahat
at kung dito’y hindi ko siya natagpuan, sana naman, naroon siya
sa aking pupuntahan
(saan nga ba niya huhugutin ang mithing pahinga—kanino niya iaasa?
sa tulad ba niyang nabulok na nguni’t umuusig ang hininga?
sa mga labi bang nagmamalinis gayung nilamon din ng sistema?)
at sa kanilang pagkabigla
nanahimik ang maliligalig at ngumangawa
naligalig naman ang mga dating payapa
sa talsik at agos ng dugo
ng taong humandusay
ng patay na ninais mabuhay … sa gitna ng mga patay.
***********
Feb. 8, 2011 / Oran, Algeria
(On the death of Former Sec. Angelo Reyes)
*** ang tulang ito ay inilathala sa emanilapoetry
Posted by Verso para Libertad at 4:57 AM 0 comments:
Labels: poems (kapampangan)
Tuesday, February 1, 2011
Igulis Ke King Dila Ku
Mengaring aguilang tiknang nong kakablas ding keyang pakpak
-- pepaynawa at sinake king angin, migdatun ya ing kakung labi
libutad ning salu mu
Kule kayumanggi
ing danum-urang
gagapang king gabun
ngening gatpanapun. . .
at king papag a ini, makakera kang bulak
a sasamba’ ning palad kung magtumaila;
karing aplus a magdulap, susukdan to ring gilid
ning kuwadradung angganan, king bibilugan
tang papag malikmata ka tang mandam sala
king mag-umasid a kandila—
king pundat nang kurap, manigapu ka ta –
nung ibulus na ning banua ing tututul nang lua
ban itigho no kaua ring bulung ning tanaman,
nung sakali man, at inakbag ne ning kabengian
ing dulum nang alang kapamunan, sana
atin yang lakwan a alala – kekata –
ing simsam tang tula king pisulung uran
“kaulan mu ku . . .
igulis ke king dila ku
ing lugud ku keng salu mu.”
*****
2011
Oran, Algeria
Posted by Verso para Libertad at 1:51 AM 0 comments:
Labels: poems (kapampangan)