-------------
inisang lagok ng inip na bibig, bakasakaling
mailunod ang panis na laway sa lumamig na kape
na tatlong oras nang sinusuyo, hinahalo
ng pilak na kutsaritang
nahilo na rin
sa kaliwa’t kanang ikot ng pag-aalala.
sinusumbatan ng titig ang dingding
nililingkis, tinatanong ng kanang paa
ang kaliwang paa: darating pa ba siya?
walang maitutugon ang kaliwang paa
na nagsisimula ng humakbang -- palabas.
minsan, maging ang kinakabog na mesa
at isinasalyang upuan
walang sagot na naibibigay.
tanong sa tanong din lang
ang natatagpuan
ang naiiwan
sa mga tagpuan.
------------
Monday, October 5, 2009
meeting place
Posted by Verso para Libertad at 10:31 PM
Labels: poems (love and friendship)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
Ang paghihintay ay hindi nangangahulugang may darating.
uyyy! dinalaw ako ng kaibigan kong anino. salamat. maraming salamat sa pagbisita at sa komento.
Post a Comment