Friday, December 30, 2011

Solace

Wednesday, December 28, 2011

Tumun-tumunan

Apulu kang banua iniang myalung kata
Migtumun-tumunan lalam ning banggera
Kinangwa kung abias kebit ta keng lata
Memulut kang batu ban pipatungan ta

Dutung, suksuk, papil, ilang penangab ta
Mikit ing labul mu, maynip kang manaya
Gagamus kang buntuk at mangapalwa ka
Eka mipaindatun gagagtu’ing nasi ta

King lunus ku rugu sinopan da na ka
Sinabi ku keka: “yaku na”, “yaku na”
Yaku na ing tangab magpaynawa na ka
Kening sakung-bunut a lintang ku keka

Kabud abud namu, pantunan da na ka
Deting pengari mu migaganaka la
E ra pala balu nukarin ka minta
Oras ning apunan ot kanu ala ka

Lawan lawan mu ku isip megulu ya
Makibat o ali keng awus da keka
Ing sabi ku naman, “sige mako na ka
uling eku buri ing makamwanan ka”

Dapot bayu la pa milapit kekata
King pangabigla mu penyapuldung da ka
E mu ikuang mimua, mipatiman ka pa
Kinaul matalik at kindut mu ku pa

(Inia naman ngeni, beinti anyus na ka
Bubuktut me,Darling, iting pangadwa ta.)


***
2011
Oran, Algeria

Sunday, December 25, 2011

Safehouse



Isa siyang malalim na galos
sa duguang sahig. Kumikisay
katol na paikid o kung minsan
tandang padamdam
hugis at anyo ng hubad niyang katawan

Nasusunog na bulbol sa bayag
bawat diklap ng elektrisidad
Paulit-ulit, iikid — bulating iisod
katawan niyang sa batuhan
tila ba naghahanap ng makakapitan

Bawa’t dampi ng alambre’t metal
sa busargang bibig, maririnig:
Aktibista lang ako!
Putang-ina nyo!
Aktibista lang ako!

Para bang sa pagsasabi nito
maibababa ang boltaheng
nais magpasabog sa sentido,
maibabalik pa’t makukumpleto
mga daliring binunutan ng kuko,
o babaluktot at iiwas
alambreng isinasalaksak
sa butas ng burat.

Para bang sa pag-usal nito,
ihahatid ng hangin
sa mga mga sumuko na’t nawalan ng pag-asa
ang mga pahiwatig
na wala siya sa mga kampo’t munisipyo—
na buhay pa siya. At hirap na hirap na.








***
2011
Oran, Algeria

Tuesday, December 20, 2011

DECS...DECS...DEXTROSE!

DECS . . .
DECS . . .
DEXtrose . . .
ganito hugutin
ng naghihingalong institusyon
ang tangis at hiningang
tulad sa isang ina’y
patawiring nakamasid
sa mga anak niyang
magsisiksikan sa klasrum
uulanin sa lilim ng santol
matututong magtanong
maghahanap ng solusyon
lalabas.
sa labas . . .
may teargas--
sagot ng pasista sa tanong
kung bakit may kaltas
ang badyet sa edukasyon
gayung dinagdagan
ang sa bala at truncheon!




***
2011
Oran, Algeria

Thursday, December 15, 2011

Ding Mig-rali

(Poema king pormang French Rondeau)
-- Oliver S. Carlos


Dekap da la ring mig-rali
Ding tututul istudyanti
E ro buring magprotesta
King matas a matrikula
Binitbit dong anting babi
Gamat, bitis, mengapakli
Alang lunus, alang tangi
Anti la mong terorista
Dekap da la!
Migtaka la king milyari
Ing gewa ra krimen wari?
Ding keng gilid sisimpatya
Pati reta, pemukpuk da!
Katimawan! -- nokarin ya?
(Ot) Dekap da la!

Saturday, December 10, 2011

Pandanggo Sa Rehas




Hindi sila nag-atubiling
hawakan ang apoy. Maging apoy
upang bigyang-liwanag ang karimlan
Kinitlan sila ng buhay. Marami sa kanila
ipinagtabuyan, ibinilanggo
sa kuyom ng paglabag
sa makataong karapatan.

Malaking kahangalan! Hindi kailanman
naikukulong ang liwanag. Patuloy
at patuloy itong maghahanap ng lagusan

Patunay kaming umiindak ngayon
sa nagkakaisang galaw.
Sa mapangahas na sayaw
na sa kanila’y natutuhan ---

inilalagay namin ang mga tinghoy
sa aming ulo,
sa likod ng mga palad --
upang patuloy na magbigay-liwanag
bigyang-pugay silang ibinulid
sa rehas na bakal

silang kagaya nami’y
alitaptap sa karimlan


***

Sinasabing ang Pandanggo sa Ilaw ay sayaw na nagmula sa Mindoro. Tinghoy ang tawag sa oil lamp na siyang orihinal na ilaw na gamit nila (kandilang nasa baso na ngayon ang gamit).
Isinasayaw ito sa gabi, madaling araw o tuwing nag-aagaw ang dilim at liwanag; at ang mga tinghoy, animo’y alitaptap sa karimlan kung pagmamasdan.

Naisulat ko ang tula sa gitna ng mahapding pag-alala sa kuwento ni Ka Boni Ilagan (naging detenidong pulitikal noong Martial Law) minsang nagsalita siya sa isang symposium sa PUP. Naroon ako, at sa gitna ng paputul-putol niyang kwento, inilarawan niya kung paano siya pinahirapan, at para ko pa ring nararamdaman habang sa gitna ng nababasag niyang tinig, naikuwento niya kung paano isinalaksak sa butas ng ari nya ang isang alambre.

Inilalagay natin ang mga tinghoy sa ating ulo (ito ang mga saligang prinsipyo, aral, lunggati nating mga nakikibaka at nagnanais magbigay-liwanag) at sa likod ng ating mga palad (humuhugot tayo ng aral at lakas sa kanilang nakaraang praktika at pagsisikhay sa gitna ng hirap) …
Hindi natin namamalayan… tulad nila’y alitaptap din tayong binibigyang parangal ng “pandanggo sa ilaw”

Oliver S. Carlos
2011
Oran, Algeria




Wednesday, December 7, 2011

Si Rizal sa Alemanya *

Gamugamong tumulay
Sa sampayan ng lumbay
Ang tulad kong nawalay



***






* Ang tulang ito ay nagkamit ng Ikatlong Gantimpala sa “Rizalstrasse: Tulaan Sa Facebook, 2011”. Isang patimpalak na inorganisa at inihatid ng LIRA (Linangan sa Imahen, Retorika at Anyo) at Goethe Institut bilang paggunita sa ika-150 kaarawan ni Gat Jose Rizal.

Umabot sa 2,861 ang mga isinaling akda. Ang mga tula ay nasa anyong Diyona -- may tatlong linya, may sukat na pitong pantig bawat linya, at may tugma.
Layunin din ng naturang patimpalak na itanghal ang buhay at mga akda ng ating pambansang bayani.

Ang pagkilala at pagbibigay-parangal sa mga nagwagi ay ginanap sa Sizzlers' Blends, Mezzanine, Shoppes @ Victoria #78 Timog Ave. cor Panay Ave., Quezon City noong Disyembre 6, 2011. Ang ikatlong gantimpala ay nagkamit ng PHP1,000 cash prize, German lessons na nagkakahalaga ng PHP 4,000, mga aklat at sertipiko ng pagkilala.

Maraming salamat sa mga nag-organisa ng Rizalstrasse: Tulaan sa Facebook, 2011.

Monday, December 5, 2011

Sakim

Sakim
Sobrang lalim
Tasang tinimplahan
Ng sambilyong pisong kape
Ay pweh!




***
2011
Oran, Algeria

Thursday, December 1, 2011

Sapni


Maskad
La king bakal
Ding sapni ning Indung
Memagsakwil king Amanung
Mana


***
2011
Oran, Algeria