... tulad marahil ako ng dampi ng masuyong hangin. di nakikita nguni't nadarama. inilalarawan sa tulong ng pluma ang mga bagay na nakikita; sa sarili, sa paligid.
sa panulat, malaya akong tulad ng hangin. wala akong di kayang gawin.
habang may pluma, lalaging may utak na aalma magpapahiwatig at magpapadama ng ngitgit, dusa, at pakikibaka ng mamamayang busabos, timawa sa sariling bayan ay pinagdurusa.
habang may pluma, kakatasin ng mga anak ng bayan sa bawat himaymay ng kanilang mga diwa ang natitirang tapang at pag-ibig sa tinubuang lupa; upang sila’y patuloy na makahanap ng mga kataga na magsasatinig sa isang dakilang adhika
“palayain ang bayan mula sa pagdurusa, kalagan ang gapos ng pagsasamantala”
habang may pluma ... habang may pluma.
ilaw sa palad
"those who would like to give light must endure burning"
No comments:
Post a Comment