Thursday, June 13, 2013



nakita ko siyang tumawid sa aking bakuran. hindi ko siya kilala at hindi rin siya kilala ng alaga kong si raffy. sa takot marahil na sagpangin ng mas malaki kong aso, sumuot siya sa nakahilera at namumunga ng mga talong. mahinay siyang naglakad at parang takot na magalaw niya ang mga dahon at matukoy ko kung nasaan na siya sa loob ng taniman ng talong.

dala ang aking camera, inikutan ko siya at nakita kong papatawid na sa mga tanim kong sili...

pipilitin kong alisin ang kanyang takot at sa muli naming pagkikita, ipaparamdam kong isa akong kaibigan.

aasa akong makakalapit ako sa kanya at makakapasok... sa buhay niyang tila hindi na kilala ang katagang 'tiwala'.


No comments: