--------
this heart
with many songs
is heavy --like ripe fruits
bearing down the tree. take it
take me.
------
3:00pm
Oran, Algeria
Monday, August 31, 2009
Cinquain: 20090831a
Posted by
Verso para Libertad
at
2:04 AM
0
comments:
Labels: Cinquain
Cinquain: 20090830a
--------
heartbreak:
girdled sorrow.
a jar -- like you -- housed in
infinite tenderness. intense
yet frail
-----------
10:00 AM
Oran, Algeria
Posted by
Verso para Libertad
at
2:02 AM
0
comments:
Labels: Cinquain
Friday, August 28, 2009
Sevenling: (Despedida)
-----------
Hindi mo ikinatutuwa ang busina ng mga sasakyan,
ang pasalin-saling mga sitsit ng kapitbahay,
at hiyawan ng kabataang nagsasaranggola sa bubungan
“Nabubulok na talaga ang mundo”—paliwanag ko.
“Naaagnas na ang tahanang ito”-- wika mo.
Magkatalikod nating sinuyo ang antok.
Hindi ko napaghandaan ang biglang paggaan ng kama sa madaling-araw.
-----------
Posted by
Verso para Libertad
at
11:36 PM
0
comments:
Labels: Sevenling
Sevenling: (Paglilimi)
------------------
kinabkab niya ang nangalaglag
nagsabalakubak na abo
sa anit, leeg at mga braso
naiwang tila libag sa sentido
ang misteryong di-matungkab
ng nagdurugong mga kuko
may mga tanong na sinisilip na lang; sa bote, baso at laslas na pulso.
----------
.
Posted by
Verso para Libertad
at
2:41 AM
0
comments:
Labels: Sevenling
Wednesday, August 26, 2009
Cinquain: 20090826b
---------
heaven
change my sorrow
into song. like barley
(bending and rising again)
so would I, unbroken, rise
from pain
-----------
Posted by
Verso para Libertad
at
3:18 AM
0
comments:
Labels: Cinquain
Cinquain: 20090826a
--------------
for pain
was buried here
like mournful ballards sang
by mothers --whose children left them
behind
---------------
Posted by
Verso para Libertad
at
3:16 AM
0
comments:
Labels: Cinquain
Haiku 20090826a
--------------------
i held her so tight
mistress of deceit. she — like
sand -- was blown from my palm!
-----------------
Posted by
Verso para Libertad
at
3:14 AM
0
comments:
Labels: Haiku
Wednesday, August 5, 2009
Awit sa Parang
narito pa
ang luntiang parang at ang iyong mga mata
nagsasayaw na apoy ang iyong mga titig.
at ang parang (na sa atin ay nagduyan)—isang kopitang kristal.
dito, sa damuhang banig at dantayang ulap,
sabay nating tinitigan ang pag-akyat ng buwan
ang mabagal nitong pag-usad
at mahinhing paggapang sa itaas ng mga kakahuyan.
narito pa ang mga ngiti
ang nahihiyang paghigop, pagsimsim
at pagpipingkian ng mga tasa ng kape
narito pa at nakatitig
ang mapupungay mong matang
gumapos sa mga sinag ng buwan.
bukas, muli akong dadalaw.
paulit-ulit na dadalaw
upang titigan, kapain sa dibdib ang itim na ulap
na lumambong at tumakip sa sinag ng buwan,
nagkubli’t nag-ingat sa di-masaling na mga kirot at hiwaga:
gumagapang na buwan . . .
luntiang kakahuyan . . .
titig na malamlam.
may mga bagay na napaparam
gayung nananatili kailanman.
Posted by
Verso para Libertad
at
5:29 AM
0
comments:
Labels: poems (love and friendship)
Sunday, August 2, 2009
Paghihiwalay

Asul na kakahuyan
sa bumbunan ng mga kabundukang
nangagpatirapa. Inaabot, hinahagkan
ang pakiling na araw sa kanluran
Dapithapon ito ng paghihiwalay.
Talikurang hakbang ng mga paang marahang hinahawi
ang langibing damuhan, mga siit, tuyong dahong
nagsisuko, nagpagupo sa poot ng araw—mandi’y nangagpatiwakal
Sa pasyok ng habagat, pinasasayaw ng sinulid ang mga matang
lumulutang sa kawalan. Habang sinusundo
niyayakap ng takipsilim ang mga sinag at kinang
Kagaya ng mga akbay, ng mga pisil sa balikat
ng mga pagyuko at pagtitiyap ng kamay
na nagpapahulagpos sa mga inipong ngiti ng nakaraan.
Sinisikap nating ibilanggo ang hulagpos
sa ikinukuyom nating mga kamay,
sa nangaglitok na kalamnan
upang kahit paano’y mapunan ang nalilikhang puwang
ng naglalayong mga palad -- bantulot sa pagkaway
Ay! sadyang di mapigilan
Nagsusumiksik ang buntung-hininga sa mga pagitan!
Posted by
Verso para Libertad
at
12:16 AM
0
comments:
Labels: poems (love and friendship)
Wednesday, July 29, 2009
Iniibig Ko ang Iyong mga Paa
Huwag mo sanang ipagtaka
kung bakit sa bawa’t nating pagniniig
ay hinahagkan ko ang iyong mga paa.
Nagsinungaling ako
nuong sinabi kong hindi kita mahal
na hindi ko naaalala, kahit minsan,
ang biloy sa iyong pisngi,
ang hiwaga sa iyong ngiti,
ang pangakong tamis ng mapula mong labi,
maging ang kislap at ningning
ng mahinhin mong mga pagkurap.
Labis kitang iniibig — iyon ang totoo.
Katotohanang di masabi-sabi
ng mga matang di maititig sa iyo.
Hinahagkan ko ang iyong mga paa
hindi dahil sa sila lang
ang minahal kong bahagi ng katawan mo
Iniibig ko sila—kung paano ko iniibig
ang lahat sa iyo – dahil sila
ang mga paang banayad na
humakbang at naglakbay
sa hangin,
sa tubig,
sa lupa,
sa batuhan at buhanginan
hanggang sa ako ang kanilang matagpuan.
Posted by
Verso para Libertad
at
1:53 AM
1 comments:
Labels: poems (love and friendship)
Saturday, July 11, 2009
Ang Aking Lumang Litrato
Nasaan ba siya rito? Ang naulinigan ko mula sa iyo.
Hindi ako sigurado kung sino talaga ang iyong tinatanong
Yan bang lumang litrato na hawak mo?
Ang sarili mo? O Ako?
Nariyan ako
Kung titingnan mo lang na mabuti, kahit natutungkab na
ang gilid at mapusyaw na ang kulay, maaaninag mo pa riyan
ang nakayukong puno na sanga at mga dahon lang ang nakunan--
diyan sa bandang kanan.
Sa background naman, nariyan ang dalisdis
na tinubuan ng medyo kumakapal nang talahib,
mga bulaklak na ligaw at maliliit na halamang-bundok
na dinidilaan ng sinag ng papalubog na araw.
Napapansin mo ba ang nakaalsa at parihabang lupa
na tila iniiyakan ng puno sa gawing kanan? —
Iyan mismong tinatakpan ng mga daliri mo ngayon—
Nariyan ako.
Hindi mo na nga lang ako makikitang nakangiti,
o nakataas ang kuyom na kamao, gaya ng dati.
(Kinunan kasi yan isang araw matapos akong mabuwal.
Diyan ako inilibing ng ating mga kasama
Pagkatapos naming maka-engkwentro
ang mga pasistang sundalo sa may Sapang-Bato)
Posted by
Verso para Libertad
at
12:30 AM
0
comments:
Labels: poems (activism; protest)
Thursday, July 2, 2009
Retirado
Bumabalik ang kanyang mga hakbang
Kung saan niya ito sinimulan.
Sa paghinto, hindi niya maiwasang
lumingon sa pinanggalingan
Tinitimbang, iniisip na hindi sapat
gaano man kalayo ang kanyang nilakbay.
Kulang
maging ang anumang naialay
ng mabilis niyang paglakad sa katanghalian
Tumawid at dumaan lang ang buhay
Kagaya ng pagtawid at pagdaan ng dagang-bukid na iyon
sa pilapil na kanyang nilalakaran, sumuot sa damuhan
na di man lang nahawi
hindi man lang gumalaw.
Posted by
Verso para Libertad
at
12:18 AM
0
comments:
Labels: poems (pagmumuni)


