Verso para Libertad
dugo, yaman, dunong, katiisa't pagod; buhay may abuting magkalagot-lagot
Tuesday, June 2, 2009
Hardinero ng Pag-ibig
sapagkat ikaw ang aking pinakatatangi
hindi kita aagawin
o pipitasin sa tangkay
upang isabit sa leeg
gaya ng isang sampagita.
manapa’y
itatanim ko
ang aking sarili
upang yumabong
sa iyong tabi.
No comments:
Post a Comment
‹
›
Home
View web version
No comments:
Post a Comment