Sinasaksak ng tubig-ulan
na bumubulwak mula sa alulod
ang lupang naghihinagpis
sa tinatamong malalalim na sugat--
mga saksak ng siphayo,
sundot sa budhi na bumabaon
sa sugatang dibdib
ng babaing nakatanaw sa bintana
na sinasaksak ang labi ng mga luhang
naglalandas sa magkabilang pisngi.
Sa di-kalayuan
iniikutan ng mga langaw at lamok
ang nakabaong fetus
na inagaw niya sa kanyang matres.
Kawawang bata...
ReplyDeletehi there lyza!
ReplyDeletesalamat ng marami sa pagbabasa at sa komento. ingat lang.